Denzel Sarmiento is one of the most traveled Focus photographers. Due to the simple reason that he is a professional travel guide, or lakbay-gabay in his preferred language. He accompanies foreign travelers to different parts of the Philippines and makes sure to document his experiences with his trusty camera. But he didn't pick up photography to complement his work. It's actually, curiously, the other way around : he became a tour guide because of photography. He entered a photography competition and by a stroke of fate, wound up as a licensed travel guide shortly after. How did that exactly happen? We'll let Denzel do the rest of the story-telling. Tell us your unique story about how you became a tour guide. D : Napunta ako sa industriya ng turismo sa hindi inaasahang pangyayari. Isang araw kasi, sinusumite ko 'yung mga litratong aking isasali sa patimpalak na Larawang Bulakenyo. Napansin ko na may grupo ng mga tao sa Provincial Library tapos tinanong ko kung ano ang mayroon doon. Napabatid sa akin na huling araw ng panayam para sa mga nais sumailalim sa isang seminar para sa mga gustong maging tour guide ng Bulacan. Sinubukan ko, tapos ayun pumasa naman. Matapos ang sampung araw ng training at pagkuha ng pagsusulit, ayun nakapasa at nagpa-accredit. Tada! Department of Tourism-licensed tour guide! Kung pakaiisipin ko, aba ayos ha kasi naisip ko rin na maging lakbay-gabay noong ako ay nasa elementarya at hilig ko rin naman ang magpunta sa iba't-ibang lugar at makasalamuha ang iba't-ibang uri ng mga tao. How did you get started in photography? D : Nasa ikatlong antas na ako sa kolehiyo noong nakahawak ako ng DSLR dahil 'yung nakababata kong kapatid ay nagkaroon ng asignaturang Basic Photography. Noong may mga espesyal na kaganapan at kung may pupuntahan akong malayo, hinihiram ko 'yung camera at doon nag-umpisa 'yung pagkahumaling ko sa photography. Tapos ayun, nasanay akong dala-dala parati 'yung camera. Sa tuwing hindi ako nakakapagdala ng camera kapag napupunta ako ng ibang lugar, nakakaramdam ako ng pagkahinayang sa tuwing hindi ko naikukulong sa apat na sulok ng litrato ang mga alaala at mga lugar na nararanasan at napupuntahan ko. How does it affect your profession and also your travels? D : Hilig ko na talagang tumuklas ng iba’t-ibang lugar dahil gusto ko malubos ang oras ko sa mundong ito at mas maging buo ang aking kamalayan sa maraming bagay. Sa pagkuha ng litrato sa mga lugar na napupuntahan ko, sa mga taong aking nakakasalamuha, may babalikan ako balang araw tapos 'yung tila ngingiti na lang ako at sasabihin ko sa aking sarili na sulit ang buhay ko. Ayun 'yung nais ko kapag nasa dapit-hapon na ako ng aking buhay. Lalo na kung sakaling maging malilimutin man ako balang araw, may patunay na sa lugar na ito nandito ako. Hindi ko man tanda, naparito ako... 'yung katawan at isip ko nagpalipas ng sandali sa lugar na ito. Ganunan ba. Ukol naman sa pagiging lakbay-gabay o tour guide, napakalaking tulong dahil mas nakakapagbigay ako ng kasiyahan sa mga bisita ko dahil nagugustuhan nila 'yung mga kuha kong larawan kasama ang view nung destinasyon nila. Kahit papaano, nakakadagdag 'yung munting abilidad ko sa potograpiya sa trabaho ko bilang lakbay-gabay. What camera setup do you usually bring on your travels? D : Ang palagi ko lang naman dala 'yung Nikon D3100. Halos siyam na taon na akong pinagsisilbihan nun. Kung hindi man, 'yung camera lang ng cellphone ko. Share ko lang. May pagkakataon na kinuhanan ko ng litrato 'yung isang lumang bahay sa Bulakan, tapos bumilib ako sa ganda ng rehistro, 'yun pala nakakadagdag sa disenyo yung fungi na pumaloob sa lente. Haha. Kapag may lakad talaga ako lalo na sa ibang probinsiya, talagang dinadala ko 'yung D3100 kahit mabigat. Mas hiyang kasi ako sa camera na 'yun… tapos basic lang naman ang lente, wala ring ibang accessories. Basta 'yung camera at 'yung liwanag na binibigay ng araw o ilaw...tapos. What's the most interesting place you've been to? D : Lahat naman ng lugar may sariling katangian kaya hindi ko napagkukumpara ang mga lugar na napupuntahan ko. Pero sige, isa sa mga tumatak sakin 'yung lalawigan ng Tawi-Tawi. Nagawi ako doon taong 2017, matapos kong iwan 'yung huli kong trabaho noong taon na yun, naglibot ako sa Sulu Archipelago. What would be your dream destination? D : Kung sa Pilipinas, Maconacon, Divilacan…'yung area na 'yun. Tapos Mapun Island. Kung international, Nepal at Bhutan. Maaari ring Sierra Leone at Uruguay. Kung imposible naman, 'yung alternate dimension ng universe. In your own words, how would you define travel photography? D : Travel Photography. Basta maipakita lang 'yung katangian ng lugar. Maaamoy mo 'yung samyo nung lugar, maririnig mo 'yung ingay o magandang huni nung lugar, magpapasabik sayo na puntahan din ang lugar na iyon. At 'yung magpapabatid sayo kung ano man ang damdamin o kaluluwa ng lugar na nakakulong sa apat na sulok ng larawan na iyon. What's your most memorable experience in your profession? D : Assitant tour guide ako nun, dalawa kaming tour guide. 'Yung main guide namin Mexicano. Ang mga bisita namin seventeen na katao galing Catalunia, Espanya. Age range ay sixty to eighty years old. Umakyat kami sa Banaue, nag-hike kami sa Batad, pumasok kami sa kuweba, narinig ko 'yung mga istorya nila noong kabataan nila habang ramdam ang malamig na hangin sa gabi ng Cordillera at amoy ang kape ng Sagada. Basta ayun nakakapukaw ng damdamin. Isa sa mga munting tagpo : umaandar 'yung sasakyan sa San Jose, Nueva Ecija…papunta kami sa Banaue. Biglang sinambit sa akin ng isa sa aming bisita: “Kapag may oras pa at gusto mo… dakmain mo na!” Sa wikang Kastila. Habang 'yung kamay ng madam ay mabilis na parang may dinakma sa hangin at sinarado agad ang kanyang kamao. Basta marami akong natutunan. How do you usually capture the essence of a place that you visit? D : Kapag sabay na nakita ng mata ko at nagpasabik sa kalamnan ko…pindot agad. Please tell us about the photo you're most proud of. D : Ang hirap pumili. 'Yung picture ng Meycauayan Old Train Station ako pinaka-proud kasi napasama siya as finalist sa Larawang Bulakenyo. Tapos noon nila nalaman istasyon pala ng tren yun. At nagkaroon ng maliit na diskurso ukol sa pangangalaga ng istasyon bilang isa sa mga natatanging pamanang kasaysayan ng Meycauayan. (Photo shown in gallery below.) Tips for travel photography? D : Matututunan naman 'yun kahit walang magturo sayo…basta 'yung lakas lang ng loob para tumuklas at lumabas at matuto sa karanasan. Denzel's other favorite photos (Click thumbnails to view photos in full) If you knew then what you know now, you would...? D : Ganun pa rin. Nakadisenyo naman ang linya ng ating kamalayan na bigkis sa mga naging karanasan ng ating buhay. Kung alam ko na 'yung ilang bagay noon baka hindi ako ang maging produkto na ako ngayon. Kaya ganun pa rin. What's your message to Focus Bulacan followers? D : Sa mga sumusubaybay sa Focus Bulacan, ikinalulugod namin ang inyong suporta! Sa mga nagnanais na mapabilang sa samahan namin, masaya dito! Minumungkahi ko na sumama kayo kung mayroon kaming photomeet na bukas para sa lahat. Our passion leads us to unexpected places and even parts unknown. When opportunity knocks, sometimes the difference in making it or having regrets is having the courage to try and explore. But if you really want it and you've got time in your hands, the best thing to do - like what Denzel learned first hand - is to go for it and grab the chance. Dakmain mo na! |
FOCUS Feature
Every month, we have a feature on our members, our photography idols, and other photography issues we feel deserve a heads-up. Archives
January 2021
Categories |