Biking and running are in his blood but it was photography that showed him a spark and led him to a journey that has been through hills and valleys, victories and frustrations, and all the learning experiences in between. A long-time printing operator and current warehouse staff who also does freelance projects on the side, he got acquainted with the craft via a phone camera and gradually grasped his way to controlling the complicated DSLR. Barely three years since picking up the fundamentals, he is now a bona fide street shooter with a knack for nailing memorable and even contest-winning photos. Alfie Grutas is our featured Focus photographer of the month and this is his story. When did your photography affliction develop? A : Sa mga magagandang photo na nakikita ko sa internet, gaya na lang nung isang sundalo na may hawak na rosary habang nakahalik, doon na ako nagkaroon ng interes sa photography. Nagsimula ako mag-asam magkaroon ng camera noong nakakita ako sa isang pelikula ng Leica yata 'yun o 'yung Fujifilm camera. Tumaas pa 'yung pananabik ko magkaroon ng camera nung lumabas pa noon 'yung DSLR at nauso nga. Kaso nalaman ko na may kamahalan kaya nagbaka-sakali na lang ako sa phone camera para masimulan ko na makapag-picture. Nakabili ako ng Android phone noong summer 2015, doon na nagstart ang photography ko. Ang saya lang kasi kahit sa phone camera kaya palang ibigay 'yung pakiramdam na may sarili kang camera. What were the usual challenges or frustrations when you were just beginning? A : Kawalan ng gana mag-shoot kasi distracted ako sa paligid, nauuna 'yung takot kaysa sa mga gusto kong kuhanan. How did your Focus Bulacan story start? A : Noong nalaman ko na may pa-workshop sa photography ang St. James Parish sa Plaridel, na nabanggit nga ang Focus Bulacan sa post sa Facebook. Doon ko nalaman na may photography club pala dito satin. Kaya binisita ko ang page nila at nalaman ko na active ang grupo. Interesting 'yung bawat post nila. Tanda ko pa noon nabasa ko 'yung story ni Shauang, siya ang featured noon. Ang gaganda ng mga photo niya at kakaiba 'yung style niya so lalo akong na-excite para mag-sign up at unahin na lang 'yung workshop kaysa sa ibang lakad. Chance ko na rin malaman kung paano magamit 'yung DSLR, sakto kasi nabuo na 'yung binigay na Nikon D50 sakin ng aking tiyahin. Buhat noong nasimulan ko ang workshop mas binigyan ko na ng oras ang photography. Nadalas gamitin ang DSLR, nagsign-up para maging applicant, um-attend sa ibang workshop, nakisali sa photowalks, photomeet, national contest, worldwide photo contest. Hanggang sa sumapit 'yung araw na pinakilala na ako bilang isa sa mga new Focus Bulacan members. What's the biggest photography lesson you've learned so far? A : Akala ko makukuha ko na 'yung gusto ko na magagandang shots nung may mga nalalaman na ako. Hindi pala, ang lawak pala ng photography. Dapat matutunan ang bawat genre at unawain ito ng mabuti. Kailangan pagtiyagaan pa ang pag-aaral, maging masipag sa pag-shoot, pasensya sa sarili, higit sa lahat i-enjoy lang ito gaya na lang kung gaano ka kasaya at kasabik noong ikaw ay nagsisimula. What has been the most unforgettable experience you've had as a photographer? A : Hindi ko makakalimutan 'yung naging shoot ko sa Traslacion 2019. Nakapwesto kami ni Humprey (Catajan, a fellow Focus photographer) at isa pang photographer, sa sementadong sumusuporta sa malaking poste habang papalapit ang andas ng Itim na Nazareno. Isang deboto ang bigla na lang nakitungtong at nagpumilit kumapit sa poste. Tinigil ko na 'yung pag-shoot ko, inuna ko 'yung kaligtasan at gamit ko. Pumwesto rin kami sa barrier ng tulay, sobrang hirap mag-shoot nakaramdam pa ng takot kasi nasa harap lang namin ang crowd. May tendency kasi na pupwede kaming mahulog dahil sa mga deboto na nakikisingit sa aming pwesto. What do you aspire to be five to ten years from now? A : Siguro makuha ko na 'yung style ko sa photography, magamit, mai-apply 'yung nalalaman ko sa magiging negosyo ko pagdating nung time na 'yun. Sa ngayon explore lang muna, aralin 'yung mga gusto kong genre at 'yung mga bagong dumagdag. What's your mindset like when you go out to shoot or create photos? A : Sinisiguro ko na dala ko palagi ang pananabik mag-shoot. Mga bagay na may interes sakin ang kinukuhanan ko. Tamang abang din misan kapag may nakita akong magandang spot. Is there a photography-related experience that you wish you had done differently? A : Siguro sana mas nagpursige at nagtyaga pa ako sa shoot ko na pang-entry sana sa contests. What's the photo that you're most proud of? A : 'Yung naging photo ko kay Mang Fred, isang magsasaka sa Pulilan. Nakasama kasi sa finalist sa photo contest ng Mandala Art Festival ng Pulilan at 'yun ang pangalawang beses nasama ang aking photo sa exhibit. (Photo shown below) Do you have a photography bucket list? What have you checked so far, and what remains in the list? A : Oo, marami eh. Nakapag-shoot na ako ng Milky Way kaso hindi maganda ang kinalabasan ng kuha. Pinilit ko lang kasi gamitin 'yung camera ko na di naman para sa ganoong shot. Masasayang kasi yung tinuro ni SJ (Sir Jer Sandel, fellow Focus photographer) kung hindi ko sinubukan. Kaya gusto ko ito ulit-ulitin. Pangarap ko makapag-photowalk sa Cuba at Morocco. Saka maka-attend din sa mga kakaibang festival dito sa Pinas pati na rin ang La Tomatina at bull run sa Spain. Syempre, makabili ng pinapangarap kong camera gaya nung napanuod ko dati sa pelikula. What would be your advice if someone asks you what camera to buy? A : Siguro aalamin ko muna kung para saan niya gagamitin at kung talagang hilig niya ang photography, saka ko siya balikan para mabigyan ng payo. General tip to photography enthusiasts. A : Tuloy lang tayo sa nadiskubre natin, shoot lang nang shoot. I-enjoy n'yo lang kung ano man ang gusto n'yong piktyuran. Mag-attend ng photography events. Lumapit at huwag matakot na magtanong, humingi ng tips at techniques sa mga photographer. Magpa-critique sa iyong mga kuha sa mga kaibigan mo, sa iyong mentor. Magbasa, manuod ng tutorials sa Youtube. Sa ganoong paraan mauunawaan mo at mag-i-improve ang iyong mga kuha. At isa pa mag-join na rin kayo sa Focus Bulacan. What's your message to Focus followers and fellow members? A : Sa mga followers ng Focus, maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa aming grupo. Ipagpapatuloy pa rin namin ang pagbigay ng inspirasyon at magagandang larawan sa inyo, pagbigay ng tulong, kaalaman sa mga gustong matuto at pasukin ito. Yo! Kumusta, Focus fam? Maraming, maraming salamat sa mainit na pagtanggap n'yo sa akin noong ako ay nagsisimula pa lamang. Kay Sir Jeremy na unang nagbigay kaalaman para matutunan ko ang basics ng photography, kila Kuya Awel, Ate Elena, Shauang na mga nilapitan ko at nag-guide sa akin nung bago pa lang ako. Kila Humprey, Kuya Joel, Kuya Randy at Mark Simon na kusang nagbigay ng tips at techniques mula sa mga nalalaman nila. Maraming salamat po! Sana makabalik na sa dating normal at makapagkita-kita na tayong muli. Alfie's Favorite Photos (Click thumbnails to view photos in full) Like everyone, Alfie longs for the day when we overcome the pandemic and we could start living our normal routine. As he awaits to get back to his full-time warehouse job, he temporarily works as a computer technician. He misses the streets. He misses the festivals and events. He sure misses exploring the outdoors with his camera. But when the right moment comes, we can be sure that he's going all-out in taking photos again. After all, he has learned too well that in order to sustain the passion, one has to enjoy photography like how it used to be in the beginning. For all of us who knows Alfie, that means we're going to see a fresh set of compelling photos, interesting slices of life that he has made a habit of capturing. All we need is just a little more patience... and trust in the process. |
FOCUS Feature
Every month, we have a feature on our members, our photography idols, and other photography issues we feel deserve a heads-up. Archives
January 2021
Categories |