He admits he's the introvert kind. Reserved and soft-spoken, he does most of the loud work in his mind. Music is his first love but photography gave him a voice. To fully express himself and his interpretation of the world. The eye and creativity for compelling images may be in his genes : his father and grandfather were also lensmen back in the good old days. He entered the world of photography fairly recently and now he's making strides. Steadily, his voice is getting heard, his vision being seen. Surely, there are stories and ideas bursting within. Chinn Joaquin is the featured Focus photographer of the month. How did your photography story start? C : Nag-start ako sa isang prayer, "God ano po bang gift ang meron ako na kailangan ko ma-discover at pwede kong mai-share sa lahat?". Then naalala ko may DSLR camera si tatay. Nikon D3100 na hindi nagagamit. My tatay is also a photographer kaso malabo na 'yung mata niya. Pinakialaman ko 'yung camera. Noong ginamit ko 'yung camera para akong sinaniban, haha. Nasiyahan ako mag-picture kasi detailed 'yung photos and ang linaw. Hinayaan ko na 'yung sarili kong gumawa ng photos. When did you go full-time in photography? C : Noong una ang mindset ko lang talaga kukuhanan ko kung ano 'yung gusto ko. Ayoko kasi mahirapan, pero one time nag-message sa akin ang pinsan ko. Gusto niyang ako 'yung kumuha sa wedding niya. Sabi ko wala pa akong alam sa wedding and takot pa akong kumuha ng ganun kasi precious moment 'yun. Well napilit niya ako. Nag-research ako ng mga idea, tumingin ako ng shots sa wedding albums. Ni-ready ko 'yung sarili ko pero nandoon pa rin 'yung kaba. Natapos 'yung wedding day, nabigay ko 'yung photos and nagustuhan naman. Iba 'yung feeling 'pag napangiti mo 'yung family. Ang saya sa pakiramdam and sa bawat experience nandun 'yung kwento na "noong araw ang Amang mo at Lolo Vito ang photographer dito sa atin, ang tatay mo din. Baka nakuha mo 'yan sa Amang mo." Why not? Ipagpatuloy ko 'yung nasimulan nila. What were your usual frustrations when you were starting out? C : As a beginner hindi maiiwasang may marinig kang "wow feeling photographer" o "nagpicture-picture ka lang napagod ka na?" Parang ang liit ng tingin nila sa'yo pero iintindihin mo na lang and give your best shot. When it comes to pictorials, naba-blangko ako, nagagandahan kasi ako sa girl kapag pre-debut, haha. Isa 'yun sa gusto kong ma-overcome. But thanks to kuya Mark Simon, nandiyan palagi 'yung advice niya para ma-handle ko. What’s your mentality when taking photos? C : Malaking tulong sa akin ang pakikinig ng music, mas nae-express ko 'yung feelings na gusto ko ipakita o iparamdam sa mga gawa ko at sa mga makakakita nito. Music is my fuel, photography is my story. Marami akong gustong ma-achieve na shots but for now gusto ko i-improve muna 'yung sarili ko. What kind of music do you listen to? Who are your favorite artists? C : Rock music. Paborito ko pakinggan ang Linkin Park at Greenday. Red Hot Chili Peppers din. Syempre Eraserheads, Francis M, and mga OPM bands. How did you develop your style? C : Watching photography videos in YouTube, music videos, naging curious din ako sa mga shots sa movies, download pictures basta maganda. Then pag-aaralan ko 'yung shot. Kapag nasa shoot ayun naa-apply ko 'yung mga ideas. Hindi ko pa alam anong style ko sa photography but for now tinutulungan ko 'yung sarili kong ma-discover 'yun. What has been your most unforgettable shoot so far? C : Monthly theme contest ng Focus, bonding kami ng kaibigan ko. Shoot kami for my entry. May nakita akong location na angkop sa theme, gitna ng bukid 'yun, may dalawang puno, 'yung isa madahon 'yung isa naman walang kadahon-dahon. Nagandahan ako, bihira kasi . Time 'yun na kakasabog lang ng palay sa bukid, so shoot kami. Gawa ako ng story, lumusong sa pitak so halos puro putik kami. Nalagyan din 'yung camera, low-angle kasi 'yung kailangan para makuha 'yung gusto kong shot. Pagbalik namin, pinapanood pala kami nung may-ari. Galit na galit sa amin. Sabi ko gumawa lang kami ng assignment, haha. Siya naman ang lalim, "ang laki ng daigdig doon pa kayo nag-kodakan". Wow, ang lalim. Daigdig. Panay ang sorry namin, pagtalikod namin tawanan kami. At least may pang-entry na. Gusto ko talaga kuhanan 'yung view na 'yun kaya go lang. 'Yung entry? Ayun, better luck next time, hahaha. Pero okay lang, enjoy 'yung experience. What’s one lesson somebody taught you that you couldn’t forget? C : Sa bawat shoot palagi ko pinapakita kay tatay 'yung gawa ko. Hindi siya vocal magsalita kung okay ba o hindi 'yung kuha but one time nag-advice siya sakin, "Maraming makakakita at makakapuna ng gawa mo kaya dapat gandahan mo. Kung kukuha ka gandahan mo na!" Do you have a photography bucket list? C : Noong simula sabi ko sa sarili ko lahat ng kaya kong puntahang festival sa Bulacan gusto ko makuhanan. May isa akong hindi napuntahan at gusto kong ma-cover. Angel Festival ng San Rafael. Gusto ko rin gumawa ng collection. Sunset story ng iba't ibang lugar. Tapos 50 portraits of old men at ia-album ko sila. What photo are you most proud of? And why? C : Siguro personally, 'yung kuha ko sa aking Inang Fely, lola namin. Isa 'yun sa una kong gawa. Wala siyang award o anuman pero 'yung magustuhan siya ng buong pamilya 'yun ang award para sa akin. The photo reminds me anong ugali meron si Inang bilang lola. (Photo shown below) What can you say has been your biggest achievement so far in your craft? C : So far 'yung Focus exhibit. Ang sarap sa pakiramdam 'pag naka-print 'yung gawa mo. Hmm why not someday magkaroon din ng award in this field. Five to ten years from now, how do you see Chinn Joaquin the photographer? C : Siguro masasabi ko na nag-improve na 'yung mga photos sa bawat shoot. Nandun na rin 'yung confidence mag-handle ng pictorial shoots. Na-achieve na 'yung dream shots and bucketlist. And why not, maging speaker, magbigay ng advice and lesson sa mga future photographer. Hmmm five to ten years hanggang sa pagtanda ko gusto ko may camera pa rin itong kanang kamay ko. Sarap isipin uugod-ugod ka na pumipitik ka pa. Tell us about your favorite Focus Bulacan experience. C : Last exhibit, Focus Bulacan's 6th anniversary. Simula sa preparation, my first ingress experience. Wow, ingress. Naalala na naman kita. Ingress? Coffee shop ba yun? Saan ba 'yun sa Malolos? Hahaha akala ko ako lang ang 'di nakakaalam, may iba din pala, hahaha. Hanggang sa mismong 2 days na event puro kulitan, kumustahan, laugh trip. Iba 'yung feelings kapag exhibit and marami ding naka-close na member tulad ni Sir Alih and more. Sa Focus naman every photomeet o photowalk palaging nandun 'yung saya. Pero ibang level kapag exhibit. What's your advice for photography beginners? C : Wala namang mawawala kung susubukan mo. Kapag ayan na 'yung moment, 'wag mo nang pakawalan, give your best shot! No excuses! Kaya mo 'yan! Effort. Enjoy. And please stay humble. Your message to Focus Bulacan followers and fellow members. C : Thank you, Focus Bulacan, for this opportunity. Thank you talaga sa lahat. My fellow members.. dahil sa inyo I can be more. Hindi ko maitatago na taga-hanga din ako ng mga gawa ninyo. Sadyang tahimik lang po talaga ako. To all Focus followers.. maraming salamat po sa pag-support, sa pag-puso sa mga photos at activities ng club. Para po sa inyo ang mga ginagawa namin. Tara, shoot tayo! Chinn's other favorite shots (Click thumbnails to view photos in full) While he seeks to strike a balance between passion and profession, Chinn is planning to secure a non-photography job overseas so he could help provide for his parents and family. While at it, he has no intentions of putting his photography journey on hold and looks at life in another country as a new opportunity to explore. And a new world to interpret using his camera... while being inspired by the rock songs he loves. |
FOCUS Feature
Every month, we have a feature on our members, our photography idols, and other photography issues we feel deserve a heads-up. Archives
January 2021
Categories |