Nice guys do NOT finish last. Just ask Focus activities officer Julius Calzo, one of the most affable people you could meet. If you don't get along with him, chances are you have issues. Kidding! But half-meant. By not finishing last, we mean it as Julius being a fierce competitor - he is consistently in the Top 10 of our Photographer Of The Year tilt (okay, to build him up some more, he's in the Top 5 this 2015). He loves shooting street, he loves his mirrorless camera, and he loves food. Part-time photographer, part-time landscape gardening businessman, and a full-time friend. Julius Calzo is our featured Focus photographer of the month. Read on for his Q & A exchange and see his favorite captures. Q : Gaya ng nakagawian, paki-kwento naman kung paano ka nagsimula sa photography. J : Nagsimula akong mahumaling sa photography nung nakatanggap si kuya (Kenneth Calzo, also a Focus photographer) ng graduation gift from our parents. At syempre sabik na sabik ako nun kaya ako ang gumagamit. Naalala ko pa kung paano nagagalit ang brother ko kasi hindi ko sila pini-picture-an, ang kinukunan ko 'yung mga puno, bato , poste, blurred na daan... Haha hanggang ngayon naaalala ko pa at naka-post 'yun lahat sa Friendster. Sayang lang kasi wala na kong copy nun at wala na ring Friendster. Q : Bakit street ang napili mong genre? Anong meron ito na nagustuhan mo higit sa iba? J : Hindi ko talaga alam kung anong genre sa photography ang pag-aaralan ko noong una. Ang alam ko lang gusto kong i-try lahat at kung ano 'yung maganda sa paningin ko, kukunan ko. Hanggang July 2014 noong inaya ako ni Jay Salvador mag-street. Tsinaga niya akong turuan at kalaunan nagustuhan ko naman kasi nga mahilig din akong umalis-alis. 'Yun pala hindi pala matatapos dun. Napakadami kong binasa at pinagpupuyatan ko talaga para lang maintindihan ko 'yung dahilan kung bakit kinukunan ang mga anino at mga walang ulo. Hehehe. Kung baga sa tao, napaka-misteryoso ng street photography. Mahirap basahin kung 'di mo laging nakakasama. Hehe. Q : May ibang genre ba na gusto mong subukan o pagtuunan ng panahon? J : Sa ngayon nagta-try na ako mag-events. Siguro event-wedding gusto kong matutunan. Noon ayaw na ayaw ko na may nag-e-expect sa gawa ko pero ito na siguro 'yung time para magamit ko naman 'yung mga napag-aralan ko sa street. Sabi nga nila malaking advantage kapag kaya mong mag-street tapos sasabak ka sa event. Baka. Hindi ko din masabi pero gusto kong subukan para na rin sa sarili ko. Kailangan ko mag-grow bilang isang photographer at hindi naman ako papayag na hanggang doon na lang 'yung matututunan ko. Q : Sa maraming taon mong pagshu-shoot, ano ang lesson sa photography na hindi mo makakalimutan? J : 12 years na akong nagpi-picture at masasabi kong naging matsaga naman ako. Mas malalim na lesson ang natutunan ko eh. 'Yun ang laging i-challenge ang sarili at 'wag makuntento kung ano 'yung meron ka ngayon. Mag-explore lang nang mag-explore. Q : 'Pag sinabing "kuhang Julius Calzo", paano yun? Ano bang style mo? J : Wala naman akong specific na style pero napapansin ko na halos lahat ng kuha ko puro eye-level lang. Hehe, hindi ko alam kung bakit. Mahilig din akong habulin ang araw lalo na ang sunset. Hahaha, iba eh.. may ibang hatid ang sunset para sa akin. Q : Ano ang shoot na pinaka-paborito mo sa lahat? Paki-kwento naman. J : Sabi nga para makilala mo 'yung sarili mo subukan mo ding mag-isa at maghanap ng para sa'yo. Kaya nag-decide akong mag photowalk sa Baguio na mag-isa. Haha malas lang kasi umuulan pero kahit umuulan pitik pa din ako nang pitik. Sayang kasi 'yung oras at effort ko noon kaya 'di din naisip tumigil maglakad pero sa kasamaang palad wala akong naiuwing picture nun. Ang inuwi ko lang experience at basing damit. Hahaha, pero madami naman akong nakilala at natutunan. Q : Isa kang officer ng Focus. Ano ang pinaka-challenging na part? J : Ang pinaka challenging part para sakin eh 'yung pag-iisip kung ano ang next na photomeet. Sa totoo lang mahina ako sa pag-iisip ng activities lalo na malaking group ang Focus at maraming kailangang i-consider bago makapag-set nito. Hindi din naman biro-biro dapat ang photomeet kasi dapat yung alam nating makakatulong at maraming matututunan ang bawat member. Kung ako nga lang ang tatanungin eh bakit hindi na lang puro street para masaya ako. Pero kailangan talaga isipin pa din kung ano ang makabubuti para sa nakakarami. Q : Ano naman ang pinakamasarap na part ng pagiging officer at Focus member? J : Ang pinakamasarap na part naman sakin ay 'yung makakilala ng ibang tao at magkaroon ng maraming tunay na kaibigan. Hmmm, sige na nga tsaka 'yung pagkain..hahaha! Q : Saang area pa ng photography gusto mo mag-improve? J : Gusto kong ma-improve lahat kasi alam kong kulang pa talaga. Ang tagal ko ng nagpi-picture pero last year ko lang naintindihan ang ISO, aperture at shutter speed. Yup, I’m not joking. Hehe. Kasi nga hindi ako seryoso dati. Sapat na sakin 'yung patsamba-tsamba lang, auto-mode auto-mode lang, haha. Ginawa ang camera as is pero kung papano ko lalaruin 'yung camera eh doon pa ako kulang. Sabi nga kung saan ka mahina dun ka mag-focus kaya 'yan ang pinag-aaralan ko ngayon. Ang makipaglaro..sa camera. Haha. Q : Ano ang maipapayo mo sa mga sumusubok sa street photography? J : Ang payo ko lang naman eh magbasa kayo nang magbasa at mag-shoot nang mag-shoot. Sipagan lang lagi natin para matutunan natin kung ano talaga 'yung sining sa loob ng street photography. Sabay-sabay natin 'yun alamin. Malawak ang street photography at hindi pwedeng hindi ka makikinig sa payo ng iba. Matutong tumanggap ng mga mali at isipin kung paano mo pa mapapaganda ang mga kuha mo. Lagi nating tandaan.. mahalin ang ginagawa at matutong mag-hintay..hindi lahat nakukuha sa santong paspasan at kung mahal mo ang ginagawa mo magtya-tyaga ka. Siguradong sa tamang panahon hindi lang street photography ang matututunan mo.. makikilala mo din ang sarili mo at mailalabas mo 'to sa pamamagitan ng litrato. Q : Sa tingin mo, sinong mas magaling sa inyo ni kuya Kenneth mo? Haha. J : Hahaha! Hindi ko naman kayang ipahiya ang brother ko. Kanyang camera minsan ang ginagamit ko kaya no choice..siya ang mas magaling. Hahaha. Until now nagtatanong ako sa kanya kung anong picture ang mas magandang i-post sa Facebook. Ganun siya kagaling. Hindi matatawaran at hindi ko alam kung mapapatawad niya ako sa mga pinagsasasabi ko dito. Hahaha! Q : Anong gusto mong sabihin sa Focus followers at members at applicants. J : Maraming, maraming salamat sa support guys at 'wag sana kayong magsasawa sa Focus Bulacan. Subukan din nating maging maganda tayong influence sa lahat pagdating sa photography para lalong mas maraming ma-inspire to shoot. Salamat din sa nagturo at nagtyaga sakin.. ayaw niyang binabanggit ko sya pero thank you, Jay Salvador. I would like to take this opportunity na rin para magpasalamat sa parents ko. Alam kong minsan napagpapalit ko ang mga responsibilities ko pero hindi n'yo ako kahit kailan pinigilan. Babawi po ako sa inyo. Maraming, maraming salamat po! I love you. More of Julius' fave photos (click thumbnails to view in full) |
FOCUS Feature
Every month, we have a feature on our members, our photography idols, and other photography issues we feel deserve a heads-up. Archives
January 2021
Categories |