Photography is a journey. A process of progression. Not everyone who picks up a camera would continue the quest of being a photographer. Not all have sustained the passion. Some stall, some strive and succeed. A few quickly find their niche, others spend years still looking for their own. For Focus photographer Erick Mendiola, the journey started in street photography and by some twist of fate - or deserved luck - he jumped into the world of events. Today he is a sought-after wedding shooter, and recently put up an events company to better accommodate clients. The leap of faith has paid off, from hobbyist to pro, from the street to the confines of halls and hotels. Let's take a closer look at Erick's story as he answers questions about his photography crossover. Erick Mendiola is our featured member for November 2015. Q : Standard question na ’to. How did you start in photography? Erick : Nag-start ako sa photography noong binilhan ako ng wife ko ng DSLR. Canon 1000D 'yun, mga year 2011. Q : First love mo ang street photography. Paano ka napunta sa wedding and events? E : Hindi ko naman masabi na street talaga 'yung first love ko kasi nung nagsisimula ako puro portrait pero sa street pa din na mga portraiture. Saka mostly naman ng mga first time magka-DSLR, sa street una natuto. Siguro mas naging interesado lang talaga ako and mas in-enhance ko mag-shoot sa street. Napunta naman ako sa events noong ayain ako ng friend ko na mag-shoot sa isang studio sa Manila. Nag-try ako kahit hindi ko alam kung paano ba mag-shoot ng event lalo na ng wedding. First project ko was prenup sa Baguio, dalawang prenup 'yung binigay sa akin na i-shoot. Noong una sobrang kapa pa talaga ako then sa second day nung shoot naisip ko halos wala naman pinagkaiba from street 'yung mga pwede kong gawin sa prenup shoot. Pinagkaiba lang ay kailangan ko magpa-pose ng client, which sa street minsan ginagawa din naman. Doon ako nagsimula mapunta sa weddings at events. Nagtuloy-tuloy na ang projects ko from that studio. Q : Anong napulot mo from shooting street ang nai-apply at naging advantage para sa’yo sa events? E : Halos lahat ng natutunan ko sa street sobrang nagamit ko sa weddings. Composition, use of available light, timing and anticipation and creativity. Halos 'yang apat na 'yan natutunan ko 'yan from street. 'Yan din halos ang nadala ko sa pag-shoot ng weddings. Q : Ano naman ang difference ng street and events kung saan ka nahirapan mag-adjust noong una? E : 'Yung surroundings. Sobrang magkaiba sila. From taong kalye to elitistang personalidad. From magulong kalsada to high-end na hotel. 'Yun lang naman yun need ko i-adjust. Meron pa nga akong naging shoot na from ulingan sa Tondo ng umaga then debut sa hapon. 'Yun lang siguro yung pagkakaiba nila for me. Q : What is your favorite camera and lens combo? E : Dati wala akong favorite, kung ano 'yung gamit ko i-maximize ko na lang siya. Nagamit ko na halos lahat ng lens sa event, siguro masasabi ko sa ngayon 'yung 6D or 5D Mark II with Sigma 35mm Art Series masasabi ko na favorite ko. Kaya ko makabuo ng wedding kahit 'yan lang magagamit ko. Pero kung magi-inarte ako kailangan nandyan 'yung all-time favorite ko na 85mm f/1.8 saka basta prime lens, oks sa akin. Q : Marami ka nang na-invest na gear. Meron ka pa bang dream camera o dream lens na gustong bilin? E : Sa ngayon wala naman na akong dream camera as long kaya niya ang mataas na ISO. Pero sa lens meron, Sigma 85mm saka 'yung Sigma 24mm Art Series. Q : On a scale of 1 to 10, how would you rate yourself as a photographer? What needs to be improved pa? E : Patay tayo diyan, never ko kasi nire-rate 'yung sarili ko. Pass ako diyan. Sa need to improve, madami pa akong kailangan i-improve. Matigas kasi ulo ko sa shoot. Saka to be honest minsan tamad ako pero I make sure na at the end of the day 'yung shoot ko sa wedding, kampante ako na may mabubuong album which is 'yun naman 'yung binayaran sa akin. Q : Any photographer who you look up to? E : Sa street, 'yung mga kuya ko from group ng street photography na “Daan”. Sa events naman, from the start si Oly Ruiz na talaga 'yung idol ko. Sa ngayon dumagdag si Toto Villaruel. Q : Ano pa ang gusto mong ma-achieve as a photographer? E : Wala na. For me kasi sobrang laki na siguro 'yung achievement na mapasaya ko 'yung client ko sa mga naibibigay ko na output sa kanila,from prenup shoot to wedding shoot. Q : How would you describe your style of photography? E : More on ambient shooter ako, aminado ako bobo ako pagdating sa strobe. Saka mas gusto ko 'yung impromptu mag-shoot, hirap kasi ako kung may peg shot or paggagayahan. Ako kasi mas okay talaga sa akin na pwede ko i-shoot kung ano 'yung nasa harapan ko na. Q : Ano para sa’yo yung pinakamalaking challenge in transitioning from hobbyist to professional? E : Ayun lang, until now kasi hindi ko pa din naiisip or naika-categorize 'yung sarili ko as a professional. Ako kasi never ako nag-label sa sarili ko na professional photog ako. Basta ako easy-go-lucky photographer lang ako, ine-enjoy ko lang 'yung ginagawa ko. Kasi kung makakasama n'yo ako sa shoot hindi n'yo masasabi na professional ako na photog. Hahaha. Alam 'yan ng mga nakakasama ko na from Focus din. Q : What is the most unforgettable shot na nakuhanan mo? E : Ayun lang ang dami ko na sigurong unforgettable shots na nakunan. Siguro 'yung shot ko sa mag-iina na nakaupo sa tricycle habang tinuturuan ng nanay 'yung dalawang anak niya. Shot ko 'yun from ulingan na napadaan lang ako sa kanila, at first talaga nagulat ako kasi halos paluin ng nanay 'yung isang anak kasi ayaw magbasa then all of a sudden bigla na lang sila naging okay. Ayun shot na ako, nag-abang lang ako kasi sa susunod na mangyayari sa kanilang mag-ina. Q : If you could give an advice to your younger self 5 years ago, what would it be? E : Siguro 'yung lagi ko pa din sinasabi sa sarili ko na kaya ako nagshu-shoot is because gusto ko lang i-enjoy 'yung talent na meron ako. Sa tagal ko nang nagshu-shoot and sa dami ko nang nakasama 'yung iba kasi they shoot na 'yung nasa isip nila gusto nila makilala someday, 'yung iba gusto naman kumita nang malaki, pero ngayon wala na sila sa industry na ginagalawan ko. So tumatak na 'yun sa isip ko na nandito ako para mag-enjoy. Plus na lang 'yung income na nakukuha ko. Q : Anong message mo para sa Focus followers at sa mga interesado o nagsisimula pa lang sa photography? E : Para sa mga Focus followers, 'wag kayong magsawang pumasyal lagi sa page ng Focus. And sa mga nagsisimula naman sa photography, shoot lang kayo nang shoot, magsasawa din kayo. Hahaha, joke lang. Pero to be honest 'yung iba na nagsisimula kasi sa photography hanggang simula lang talaga. For me kasi 'yung photography these days, meron ka lang pambili ng bagong DSLR, consider na agad 'yung sarili na photographer, after six months, wala na, ayaw na nila. 'Yung photography kung wala sa dugo mo maging photographer, never ka tatagal sa pagshu-shoot. Kaya sa mga magsisimula, bago kayo bumili ng camera and lenses siguraduhin lang muna ninyo na talagang passion ninyo 'yung photography. Q : Ano namang message mo para sa ibang Focus members? E : Sa mga kapamilya ko sa Focus, salamat dahil nakasama ko kayo sa Focus and madami akong natutunan from you guys. Sana mas marami pang sumali sa mga theme contest natin, para marami akong mapulot na idea. Hahaha. More power pa sa atin for next year. Promise sasali na ako sa mga theme contest next year. Erick's Fave Picks (click thumbnails to view photos in full) Like we said, photography is a journey. It's not where we are, it's where we are going. Not about how we start, but how we finish. If we continue to learn and grab opportunities, we may find ourselves in a whole new world of fulfillment, far from what we imagined when we started the journey. Thanks to Erick for sharing his story.
|
FOCUS Feature
Every month, we have a feature on our members, our photography idols, and other photography issues we feel deserve a heads-up. Archives
January 2021
Categories |