Curiosity with his father's camera started his affair with photography. By the time he was given his own, the interest was well-established and the passion took off from there. Now based in the "sandbox" - his fave description of the Middle East - and often finding the urge to shoot, he experiments with photos he could create. The results have been encouraging (on his part) and engaging (for us viewers). So much so that his story deserves to be told. Meet our featured Focus member for April : Amen Alcoriza.
His still life photos have garnered positive reviews, with some even winning in contests. Although he continues to expand his repertoire to be a multi-faceted photographer, his forte is creating artistic and visually-appealing images using his camera and still objects. Since he is currently overseas, we conducted an online Q&A with Amen. Here's the excerpt of the chat : Q : First of all, Amen ba talaga ang name mo? Amen : Hindi, nickname ko lang yon, hehe. Tuwing nasa church nga panay sabi nila “uy tawag ka” kapag nag-e-amen yung pastor. Hahaha! Pero ang real name ko ay Elijah MoseNoah (pinaghalong Moses at Noah) Alcoriza, paano naging AMEN? Alcoriza Moses Elijah Noah. Medyo banal, no? Hahaha. Q : Tell us how you got started in photography. A : Noong una na-curious lang ako, haha! Ang naaalala ko pa si daddy ang simulang nahilig tapos kapag nakikita ko mga shots n'ya bumibilib na ako kapag 'yung picture may bokeh. Tapos kinakalikot ko yung camera n'ya kapag wala siya, Canon 450D pa nga ata 'yun eh, haha. Pero hindi ko nagagawa 'yung mga ginagawa niyang pictures kaya lagi kong tanong sa sarili ko noon, “paano kaya ginagawa yun?” hanggang sa niregaluhan ako ng camera noong college at nag-aral lang ako thru Youtube para magawa ko 'yung mga nagagawa ni daddy. ![]()
Q : You have a habit of creating outstanding still life photos. Bakit madalas still life ang subject mo?
A : Outstanding talaga? Thank you, hehe. Noong nagsisimula ako sa photography, nahihirapan pa akong alamin kung ano ba talaga ang gusto kong kuhanan. Ganun naman siguro talaga sa umpisa, hanggang sa may nag-suggest sa'kin na subukan kong master-in ang still life at macro, dahil 'yun daw ang forte ko na mag-e-excel ako sa paningin niya, tsaka medyo madami nang street at model photographers eh, hehe. Since siya naman ang mentor at tinitingala ko sa photography, sinubukan ko at eto na nga ako ngayon, nag-eenjoy lang. Walang pressure kasi objects naman ang kinukuhanan ko, eh hindi naman sila nakakapag-salita para magreklamo kung pangit o maganda ang kuha ko sa kanila. Hahaha!
Q : What other genres do you shoot often? What other genres would you like to excel in?
A : Nakapag-macro, landscape at street na ako. Pero mas gusto kong mag excel sa landscape at macro. Kasi busog na camera mo, busog pa mata mo sa mga nakikita mo. 'Yun kasi talaga hindi lang basta talent pero patience din, right timing at maagang gising, hehe. Once makuha mo 'yung right moment, maiisip mo na ikaw lang ang may ganoong shot at hindi mo na 'yun mauulit. 'Yun ang kagandahan sa macro at landscape. Q : What about your weakness? Saan mo gustong mag-improve? A : Ahh weakness, hindi ako sanay kumanta. Hahaha! Pero seriously, landscape, sports, model, street at lahat ng related sa tao. Mahiyain kasi akong lumapit sa tao at kuhanan sila, hindi din ako sanay magpa-pose ng model at malaman kung ano ang tamang angle nila. Madami pa akong weaknesses kasi nag-aaral pa din naman ako. Gusto ko munang ma-improve 'yung pakikisalamuha ko sa tao lalo na sa street, hehe. Kasi gusto kong makakuha ng street portraits. 'Yung mga close up shots ng mga tao, pero hindi poorism, tapos grunge effect o kaya Dave Hill effect, naku ang ganda lang siguro kung sanay ako nun. Haha!
Q : Are you really artistically-inclined? May ibang art interests ka pa?
A : Ay, hindi ako artistically-inclined eh. Bagsak nga ako sa Arts subject ko noong highschool, hahaha! Ibang art interests siguro videography din at 'yung paggawa ng short clip, kahit BTS. Magandang matutunan 'yun kasi after ilang years puwede mong panoorin at balik-balikan ang mga ginagawa n'yo. Q : How often do you shoot? Can you say that you get to shoot as often as you have time for it? A : Noong nasa 'Pinas ako palagi talaga ako nagshu-shoot, tuwing umaga gigising ako ng 5am tapos pupunta ako sa bukid o kaya sa bakuran ng tita ko para mag-macro. Nung nandito na ako sa Saudi, tuwing weekend naman ako nagshu-shoot sa loob ng bahay. Minsan naman 'pag may naiisip akong concept ishu-shoot ko kaagad, kasi baka makalimutan ko 'pag pinagpaliban ko. Haha! Q : Tell us the difference in practicing photography there in the Middle East compared to the Philippines. Ano ang advantages and disadvantages ng bawat isa. A : Naku, malaki ang difference. Mahigpit dito sa Saudi, madaming bawal. Hindi kasing-colorful ang surroundings dito unlike sa 'Pinas. Dati nga eh, nag-picture ako sa isang pasyalan dito sa Saudi, tapos nakita ako nung isang arabo na akala n'ya kinukuhanan ko s'ya, nilapitan ako tapos pinapabura sakin lahat ng shots ko, pasyalan na 'yun ah. Hehehe. Iba talaga sa 'Pinas. Busy kasi at madaming pwedeng subjects. And advantage lang dito, napakaganda ng desert, sunrise, sunset, full moon, and 'yung mga dito mo lang makikita na wala sa 'Pinas, tulad ng grupo ng mga camel, o kaya mga pastol ng tupa.
Q : What was your most difficult still life photo? ‘Yung talagang matinding effort ang ginawa mo para ma-achieve ‘yung shot.
A : Siguro pinakamahirap 'yung mga shot ko ng oil and water, kasi nag-setup pa ako noon, inayos ko 'yung tripod ng ilaw, tripod ng camera, tapos 'yung lalagyan ng oil and water, tapos kailangan pa dahan-dahan 'yung paglalagay ko dahil kapag binigla ko, dadami 'yung bula at hindi magiging pino yung image. Minsan nga aksidente kong nahawakan 'yung oil, at the same time ayun na 'yung perfect shot ko, kaya no choice ako noon, hinawakan ko 'yung camera ko kahit may langis 'yung kamay ko. Haha, worth it naman! Mahirap nga lang noong ligpitan na ng gamit. Q : What is your most favorite photo? The one you’re most proud of. A : Favorite ko talaga 'yung Camel Eclipse! The best! Masasabi ko na ako lang 'yung may ganong shot, kasi ako lang 'yung tao doon. Hehe, perfect timing 'yun, saktong sunset, tapos 'yung camel biglang napatingin sakin, kuha ko 'yung shape talaga nung hump sabay shoot! Tapos ayun na hinabol na ako nung camel, hahaha! Q : Who are your influences in photography? What have you picked up from them? A : Kaunti lang eh, hindi kasi ako palabasa or follower ng specific photographer, kung sino lang 'yung nakitaan ko na may photo na napaisip ako kung paano niya ginawa 'yun, 'yung ifa-follow ko. Pero influence ko si daddy, sa kanya kasi nagsimula 'yung pagkahilig ko sa photography, siya din ang nagturo sa akin mag-Photoshop, kaya masasabi kong siya ang naging foundation ko sa photography. Si Jer Sandel, siya naman naging pinaka-honest person na nakakapagsabi sa akin kung pangit or maganda ang shot ko tuwing pinapakita ko sa kanya nang walang halong pambobola at hindi masyadong mean. Haha. Sa kanya ko naman natutunan 'yung tamang timpla ng mga kulay, at kung over-processed ba ang isang image. Q : Are you more on reading materials, or watching video tutorials? A : More on watching video ako, para nakikita ko talaga kung paano nila ginagawa 'yung shot. Q : How do you feel when you get compliments such as pang-computer wallpaper ang photos mo? A : Naks! Haha! Noong unang sinabi sa akin 'yun feeling ko nambobola lang, hehe. Pero noong medyo madami na ang nagsabi siyempre kinikilig ako, haha baka daw nakuha ko lang sa Google, haha! Masaya 'yun siyempre, napapaisip ako, “ay ganun na pala ang mga napo-produce kong pictures.” Ibig sabihin lang siguro, nag-improve ako at nasa right track ako, kaya kapag ganun lalo akong namo-motivate na sige, shoot pa, gawa pa tayo ng photo na mas maganda pa.
Just a few of Amen's signature photos (click thumbnails to view in full) :
To see more of Amen's work, visit his portfolio website at amenalcoriza.weebly.com
Q : What motivates you the most in your photography? A : Simple lang. 'Yung tanong na “paano nila nagagawa 'yung picture na 'yun?” Kapag naitanong ko 'yan sa isang picture na nakita ko, diretso na ako sa pagre-research para pag-aralan 'yun, para ako din magagawa ko at para masabi din sa akin ng mga makakakita “uy paano mo nagawa 'yun?” Eh 'di ako naman ishe-share ko. Hindi naman ako masungit, kasi natutunan ko lang din naman 'yun sa ibang tao. Hahaha! Q : What would be your ultimate goal in terms of photography? A: Gusto ko siyempreng makita 'yung mga photos ko sa magazine, manalo sa POTY ng Focus Bulacan, hahaha. Gusto ko din naman makapag-shoot sa iba’t ibang lugar. Pero ultimate goal? 'Yung magkaroon ako ng isang photo na magiging icon or masterpiece ko, na kapag nakita ng tao, kilala nila na ako ang nag-shoot nung photo, 'yun bang parang Mona Lisa ni da Vinci o kaya The Starry Night ni van Gogh. 'Yung ganung level. Hehehe! ![]() Q : What advice can you give to photography enthusiasts who struggle to find time, motivation or inspiration to shoot? A : Palagi lang kayo mag-browse sa internet or manood ng tutorial ng photo na napapaisip kayo kung paano ginagawa, ako kasi kahit sa office, naka-open lang 'yung mga photography sites sa computer, kapag may 30-minute break eh 'di tingin ng pictures sa website. Haha! Para kahit hindi kayo nakakapag-shoot, at least may pumapasok na ideas sa isip n'yo. Another thing, kapag may nabuo sa isip n'yo na concept, i-shoot nyo kaagad, 'wag n'yong ipagpaliban. Surround yourself with people na alam mong mas magaling sa'yo and make them your critics, aanhin mo ang 100 likes sa Facebook kung hindi naman nag-like 'yung hinahangaan mong tao pagdating sa photography. Hindi din natin kailangan lumabas palagi ng bahay para makakuha ng magandang shot. Kung meron ka lang LED lights o bumbilya o flashlight o any source of light, itapat mo lang yon sa object na gusto mo i-shoot, play with it, and ayun na, makaka-produce ka na ng magandang image.
Q : Personal question, kung ayaw mong sagutin, we understand. Right now you’re single... have you used your photos to impress, or should we term it inspire, a girl?
A : Hahaha! Bakit biglang ganito ang tanong? Hmm.. oo naman, nagamit ko pa nga na card 'yung isa kong photo. Hehe, pero hindi ko pinangfa-front 'yung pagiging photographer ko, hahaha! Eh ako pa nga ata ang nai-inspire mag-shoot lalo dahil kay girl. Haha! Q : Did it work? A : Hindi ko pa din alam eh, babalitaan ko na lang kayo kapag nag-work na, busy pa kasi 'yun sa pagre-review niya.. haha! Q : What’s your dream location to shoot photos? A : A safari!!! Kung may kakilala akong magpupunta sa ganoon, sasama ako talaga! Q : Okay, medyo mahaba na ‘to. Last question, how would you describe your photography? For example, kapag pinag-usapan si Amen Alcoriza… ang photos n’yan ganito…. Ano ‘yung description na gusto mo ma-associate sa’yo? A : Hindi ko alam eh, hehe pero siguro since may mga nagsasabi nga na pang-wallpaper 'yung ibang photos ko eh 'di 'yun na lang. “Si Amen, 'yung pang-wallpaper ang mga shots.” Q : To finish, your message to Focus Bulacan followers and to everyone who will get to read this. A : Sa Focus followers, keep following us, para ma-motivate kayo, ginagawa naman ng Focus ang lahat para ma-feed sa inyo ang mga dapat n'yong malaman. Madami kayong matututunan at madami pang photographers na mahuhusay ang magshe-share ng sarili nilang knowledge dito. Kung mahilig tayo sa isang bagay, hindi tayo makakaisip ng mga excuses. Kahit nasa loob ng bahay, magagawan natin ng paraan na makapag-produce pa din ng magagandang litrato. Sa mga makakabasa nito, sana na-inspire ko kayo na mag-shoot pa. 'Wag huminto, 'wag tamarin. At magpatuloy lang hanapin 'yung forte nyo. Once nahanap n'yo na, mas ma-e-enjoy n'yo na ang photography. 'Yun lang. Tsaka pwedeng bumati? Haha binabati ko na nga din pala si "V". Hello! Haha.
Wherever we are, we can always find something interesting enough to photograph. Excuses are easy, but getting inspired is also easy if we have the passion for something. In the case of Amen, an idea is enough of a spark to make him shoot and create images that he can proudly call his own. Everyday objects - artistically arranged and captured - are his best buddies to cure his photography itch. We won't always have an ideal time, location or opportunity for our photographic pursuit, but some of the best photographs that have ever been taken were captured during the most inconvenient situations. The results, sometimes , could be rewarding.
It could lead to an iconic photo, or an all-time favorite. Or even an image worthy to be our computer wallpaper. |
FOCUS Feature
Every month, we have a feature on our members, our photography idols, and other photography issues we feel deserve a heads-up. Archives
January 2021
Categories |