Focus Bulacan Online
  • Home
  • Contest
    • Page of Fame
  • Feature
  • About
    • Rules & Regulations
    • Membership Retention
  • JOIN

FOCUS FEATURE

EVERy photographer HAS A STORY TO tELL.

featured focus photographers and other stories worthy of highlight

Mr. Pure Energy : ALIH V.

9/24/2015

Comments

 
Picture
There's a motivational quote going around, "hard work beats talent when talent doesn't work hard". True, as sometimes talent is nothing without effort. But what happens when hard work is partnered with dedication, a burning passion, and you throw in talent and the drive for improvement? We don't have the definite answer, but we have an idea . It's something like the case of Alejandro "Alih" Viaje.

Now before you start asking if the "H" in his nickname is really necessary, let's get to know more about our featured Focus member of the month. Events photographer-slash-videographer, editor, energizer bunny, joker, and oh, a Focus Bulacan Activity Committee Officer. Man of a lot of words... most of them intended to be funny.

He has come a long way, he has gained a lot of pounds. Now is his time to shine. Alih Viaje is our featured Focus photographer for September 2015.

Q : Kwento mo naman kung paano ka nagsimula sa photography.
Alih : Namulat ako sa mundo ng photography taong 2008, when my brother Pong introduced me to his friend na photographer. Nakwento niya kasi noon sa friend niya na Photoshop CS4 ang gamit ko sa computer ko na may processor na Pentium 3. Nagtaka siya, so ayun! Nagpunta sya sa bahay para makilala ko and since then inalok niya ako na magtrabaho as layout artist sa isang kilalang studio sa Malolos. Doon ako na-curious sa photography, as in talagang sa sobrang pagka-curious ko, 'pag may nakikita akong bago sa paningin ko about photography eh nagtatanong ako sa mga boss ko. Fast forward to 2012, when I got my first DSLR. Actually tatay ko ang may kagagawan ng pagkakaroon ko ng camera eh, haha! Kelangan ko daw kasi sa trabaho, so ayun! Kahit wala sa plano eh nagkaroon ako ng camera.

Q : Anong pagkakaiba ng Alih Viaje the photographer noong 2013 sa Alih Viaje version 2015?
A : Ay naaaaaapakalaki! Napakalaki ng itinaba ko! Hahaha! Seriously, sa tingin ko sa sarili ko? Wala naman eh, 'yung napaka daldal at napakakulit na Alih Viaje noon at ngayon eh parehas pa rin naman. Sa pagiging photographer naman, noong 2013, wala talaga akong alam sa pagma-market ng sarili ko, kasi unang-una, kaunti lang ang laman ng portfolio ko. Pangalawa, iilan-ilan lang ang nakakakilala sa akin na photographer ako. Ngayon, marami nang kakilala, medyo marami na ring nagtitiwala sa kakayahan ko when it comes to photography.

Picture
Q : Anong pinakamahalagang natutunan mo sa mundo ng events photography?
A : Enjoy what you're doing. Syempre nakakapagod sa mga events. Ako kasi kahit sinong tanungin na nakasama ko or nakakasama ko, they would tell you na, "Yang si Alih? Hyper palagi yan!" Hahaha. Pero 'yun ang totoo, kahit naman hindi sa events, basta na-e-enjoy mo 'yung ginagawa mo, balewala ang pagod. At syempre, love your clients. May nagturo saken noon na you have to love your clients in a way na ipakita mo na comfortable sila sayo.

Q : Pareho mong pinasok ang photo at video. Hindi ka ba nahihirapan na mahati ang focus mo sa dalawang bagay?

A : Hindi naman. Video talaga ang hilig ko ever since, I remember when I was in college, video shooting and editing na talaga lagi kong ginagawa sa mga group projects namin. Kung di ako nakukuhang videographer eh photographer ako kinukuha kaya hindi ako nahihirapan, hehe.

Picture

Q : Okay, aside from shooting events, anong genre ng photography ang na-e-enjoy mo?

A : Na-in love ako sa "urbexery" or urban decay photography. Iba kasi 'yung feeling 'pag nakakapasok ako sa mga abandonadong bahay or building.


Q : Ano ang masasabi mong pinakamalaking achievement mo so far sa photography?
A : Parang wala pa? Hahaha! Yung nagkaron ako ng 2nd camera siguro? Hehe.


Q : Alin ang pinaka-paborito mong photo?

A : Ang pinaka-paborito ko is 'yung sa photo sa Halamanan Festival ng Guiguinto, ang yabang ko noon kasi vintage lens ang gamit ko, hahaha. (shown at left)

Q : 'Yung photo mo ng Barasoain na nanalo sa Forced Perspective, paki-kwento naman ang storya sa likod ng shot na 'yun.
A : Noong i-announce na sa'min kung ano 'yung theme which is 'yun nga, Forced Perspective, nag-search agad ako sa Google kung ano ang pwede kong gawin na pang-entry. Then there was this dollar bill na nakita ko, sabi ko "Okay 'to, common siya pero pwede 'to." Naisip ko agad 'yung ten-peso bill. Nagtanong-tanong ako kung sino pa ang may naitatabing ganun, luckily meron akong nahiraman. Then nagpunta agad ako sa Barasoain Church para mag-shoot. Nahirapan din ako kasi wala akong dalang tripod that time. Naka-salampak lang sa parking kaya ang daming nakapansin ng maduming kuko ko, hahaha. Sorry!

Q : Anong feeling nung nanalo ka at ang tindi ng naging response ng mga tao online?
A : Laglag puso! Hahaha! First time ko maka-sungkit ng 1st place sa photo contest, tapos overwhelming talaga kasi maraming natuwa dun sa photo, some even shared it and some made it their cover photo sa Facebook. Ayun! Nakakatuwa talaga.
Picture
THE Barasoain Church "Forced Perspective" theme contest-winning photo. More than 3,000 likes on Focus Bulacan's Facebook page and shared countless times (yup, we have lost track).

Q : Ano pa ang gusto mong matutunan sa larangan ng photography? At ano pa ang gusto mong marating?
A: Marami eh, as in napakadami ko pang gustong matutunan. Sa lawak ng photography, napakahirap din mamili pero sige meron akong isa, underwater photography! Gusto ko makilala hindi lang dito sa Bulacan. Syempre sino ba namang may ayaw nun 'di ba?

Q : Alih Viaje 5 years from now…. anong meron?
A : Meron na akong sariling kotse at shop! Haha! 5 years from now? Wala akong plano eh, basta enjoy lang ako sa ngayon.

Q : Sa pagiging events photographer o videographer, sinong mga tinitingala mo?
A : Sa photographers, sina Dee Gonzales, Jack Domingo syempre and Jezr'el San Juan na marami ding naituro sa akin. Sa mga videographers, si Jason Magbanua, Devin Graham and Freddie Wong.

Picture
Q : Anong message mo para sa mga nagsisimula sa photography at sa mga nagbabalak na gawing profession ang photography?
A : 'Wag kayong matakot magtanong sa may alam na. Tandaan n'yo guys, lahat nagsisimula sa walang alam. Don't just invest on gear, invest more on knowledge. Sa mga balak gawing profession naman, make sure na mahal n'yo ang photography, na-e-enjoy n'yo ang photography, otherwise kung hindi, hindi rin kayo tatagal.

Q : Message para sa Focus followers, applicants o kung ano pa man.
A : Sa mga fans ko, este sa mga followers pala ng Focus, thank you for your support. Thank you for stalking our group , hahaha, joke lang. Sa mga applicants, 'wag po kayo mahihiya na sumama sa amin, harmless po kami promise.

Q : Final question : Bakit nga ba may "H" ang nickname mo?
A : Sabi ng parents ko, common na daw kasi 'yung "Ali" kaya para maiba naman, nilagyan nila ng H. Weird ng parents ko. Hahaha.

Q : Haha, okay. Final words?

A : I would like to take this opportunity to thank the following... hahaha! First, my wife for being always there and very supportive sa mga ginagawa ko. No choice ka 'Mhie, kabit ko ang photography eh, haha! To my parents and brother na lagi din namang supportive sa akin, and sa Focus family ko na tumutulong sa akin na mag-improve at magpataba saken. Haha. Thank you guys, thank you Focus Bulacan! Oraaayt!
Picture
Alih with wife Janice and son Lei Aljin at Focus Bulacan's 2nd Anniversary Exhibit last July


More of Alih's favorite photos (click thumbnails to view in full)

Comments

    FOCUS Feature

    Every month, we have a feature on our members, our photography idols, and other photography issues we feel deserve a heads-up.

    Archives

    January 2021
    October 2020
    September 2020
    August 2020
    July 2020
    June 2020
    May 2020
    April 2020
    March 2020
    January 2020
    November 2019
    October 2019
    September 2019
    August 2019
    July 2019
    June 2019
    May 2019
    April 2019
    March 2019
    January 2019
    November 2018
    October 2018
    September 2018
    August 2018
    July 2018
    June 2018
    May 2018
    April 2018
    March 2018
    February 2018
    January 2018
    November 2017
    October 2017
    September 2017
    August 2017
    July 2017
    June 2017
    May 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    August 2016
    July 2016
    June 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    November 2015
    October 2015
    September 2015
    August 2015
    July 2015
    June 2015
    May 2015
    April 2015
    March 2015
    February 2015
    January 2015
    November 2014
    October 2014
    September 2014
    August 2014
    July 2014
    June 2014
    May 2014
    April 2014
    March 2014
    February 2014
    January 2014
    November 2013

    Categories

    All

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • Contest
    • Page of Fame
  • Feature
  • About
    • Rules & Regulations
    • Membership Retention
  • JOIN