We've all heard the life quote "If you really want something, you'll figure out a way to make it happen." That dose of motivation sums up Bryan Jacinto's creative journey that has culminated, so far, in photography. Fresh out of high school, he worked at a souvenir shirt printshop. There, he discovered and self-studied graphic design. His college years saw him dabble in music, poetry, and band life, while maximizing his student assistant role in their computer lab to learn Photoshop and multimedia. It was also that time when he first enjoyed shooting with a camera, as the designated shooter during school events. It was the spark of a passion that from then on became a goal. He now has his own shirt printing business and getting more seasoned as a lensman. It all started with a desire that turned into a plan which he keeps working hard to fulfill. This is the story of Bryan "Ry" Jacinto, the featured Focus photographer of the month. Photography is just one aspect of your life as a creative. How exactly did you start this path? R : Actually, siguro mga ten years ago, alam ko na talaga sa sarili ko na gusto kong magkaroon ng camera. Pero siyempre 'di naman ganun kadali 'yun. Good thing, may mga kamag-anak akong may cam, so nakikihiram muna ako. Pero noon kasi click lang ako nang click, basta nag-blur 'yung background o sharp ang kuha, tuwang-tuwa na ako. Nakakatuwa at yung simpleng pagkagusto kong magkaroon ng sariling camera ang naging isang way para magsipag sa pagta-trabaho. 2016 noong nakabili ako ng sarili kong camera, three years kong inipon, mula noong nag-start akong mag-work. 'Di ko alam pero 'yun talaga 'yung unang gamit na pinundar ko. Haha. What’s a memorable moment that first comes to mind regarding your “newbie” days? R : Siguro 'yung akala ko na kapag nagkaroon na ako ng sariling camera, magagawa ko na din 'yung nagagawa ng iba. Isa rin kasi sa gusto ko agad magawang kuhanan ay ang Milky Way. Kaya pagkabili ko ng camera, nag-try agad akong mag-shoot. So ayun. Doon na ako nagsimulang mag-research ng mga bagay na tungkol sa photography. Dahil hindi basta naisip mo, makukuhanan mo kaagad. Hahaha! Akala ko magagawa ko na agad once na may sarili ka nang camera eh. Hindi pala basta pipindot lang ng daliri mo 'yung shutter button. Dapat pala padaanin muna sa mata, papunta sa utak, patungo sa daliring magki-click ng camera. How did your Focus story start? R : Isa ito sa pinakamalaking dahilan kung bakit nadagdagan ang kaalaman ko sa photography, pero bago 'yun, 'yung nagsabi at tumulong muna sa akin kung bakit ako nasa Focus Bulacan ngayon... si Sir Bobby Jo. Sa trabaho ko kasi dati, nataon na asawa niya 'yung supplier namin ng gamit, tapos member pala siya ng Focus. To make the story short, siya 'yung nagpakilala sakin sa Focus Bulacan. So after ma-approve 'yung application ko noon, siya din palagi 'yung nagsa-sign-up palagi sa akin tuwing may photomeet. Hindi ko malilimutan yun, maraming salamat sir! Pinasubok ako ni Sir Bob ng isang photowalk noon, bago ako mag-apply sa Focus, unang sali ko din ng photography contest. Ayun, nakatanggap agad ako ng "not for entry" comment. Haha. Ito 'yung nagpa-mulat sakin na hindi basta-basta ang photography. Kaya hindi ko muna pinasa 'yung membership application ko. Nagdagdag muna ako ng kaalaman tungkol sa photography, nagbasa-basa na ako at research noon. Haha. After ilang months, start ng 2018, may lakas ng loob na akong ipasa 'yung application ko. Sinabi ko sa sarili ko na mas matututo ako sa kanila (Focus members) kesa sa mga nababasa ko online. At masasabi ko naman na maganda 'yung naging panimula ko mula noong natanggap ako bilang applicant sa Focus. Sa mga nakakabasa nito, magi-improve ka talaga sa photography once na makasalamuha mo ang Focus Bulacan. Promise. Right from the get-go, you established yourself as a winner and strong contender in Focus Bulacan’s competition. What do you think works for you in these contests, that others may learn from? R : 'Wag kang mag-quit. Kung may bagay kang gustong gawin pero tingin mo hindi mo kaya o hindi mo magawa, 'wag mong susukuan. Sa halip ay pag-aralan mo habang nagpapahinga. Para pagbalik mo, may dala-dala ka nang bala, may panangga ka pa. You’re an avid astrophotographer. Is there a specific photo in that field that you want to achieve? R : Siguro 'yung Rigel na katabi 'yung With Head Nebula. Gusto kong ma-perfect at mapalabas 'yung cloud of dust and gas nung Witch Head Nebula. Isa kasi 'yung Rigel sa paborito kong star na tinitignan. Tapos 'yung Witch Head Nebula naman ay parang ako na naka-sideview. Haha. Ang dating kasi sa akin ay nakatingin 'yung head sa star. Tapos ireregalo ko sa magiging anak ko na may pangalan na Rigel, sasabihin ko sa kanya na ako 'yun na binabantayan sya. Ang basa nga pala dun sa star ay "Ry-Gel". Sa mga nakakakilala sakin, alam n'yo na kung bakit! Haha. (Ry's longtime girlfriend is named Angel.) What’s your most favorite photo, or the one that you’re most proud of? R : Pinaka-paborito kong photo ay 'yung shot ko para sa Focus Bulacan Exhibit last year. Sobrang daming meaning kasi nun para sakin. Isa na yung "don't let fear stop you." Base sa sariling karanasan. Hehe. Bukod pa doon sa exhibit, nakuha din pala 'yung photo na 'yun bilang Finalist sa Photo World Cup, "To Be Free" theme. Sobrang saya ko noon! (Photo is shown above.) Are there still frustrations or areas you’d like to develop in your photography? R : Yup, sobrang dami pa. Isa na 'yung pagiging mahiyain, lalo na sa paghawak ng camera sa madaming tao o sa kalsada kapag mag-isa lang ako. Haha. Kasi 'pag may gusto akong kuhanan pero may tao, natatakot akong lumapit. Hanggang sa hindi ko na makuhanan, kasi nahihiya ako. Narasanan ko na kasi 'yung photowalk na may nagalit sa akin habang kinukuhanan ko. Nakakahinayang kasi sayang yung pagkakataon. What remains in your bucket list? R : Pinakauna pero tingin ko hindi madali ay makabili at magkaroon ng pangarap kong William Optics na lens at maayos na star tracker para magamit sa hilig ko sa pagshoot ng deep-sky objects. Isa pa na hindi nawawala sa listahan ko, mag shoot ng live concert. Haha naalala ko, nanood kami ng girlfriend ko ng concert sa Malolos noong 2017, unang beses na makakapanood ako ng banda na live. Tapos natapat na ang nag-cover ay Focus Bulacan. Hindi pa ako member noon at hindi ko pa sila kilala noon, nakita ko lang sa suot nila 'yung Focus Bulacan. Sabi ko kay partner, balang araw makakasali ako sa kanila, tapos isasama kita sa harap para manood. Haha. May camera na kasi ako noon, tapos hindi ko magamit ng maayos, kasi siksikan. Siyempre ingat na ingat pa ako noon kasi bago pa lang yung cam ko. Hahaha! Congratulations! You now have your own customized clothing line, Childish. Do you think there are distinct advantages of being a graphic artist when it translates to photography? R : Sobrang laking tulong parehas! 'Pag may gusto akong shot, same lang sa pagle-layout ng design, nabubuo ko muna sa isip ko lahat, saka ko gagawin. Dagdag pa 'yung magkaroon ka ng taste sa kulay na maganda sa paningin. 'Yung photography sa graphic art business naman, 'yung advantage namin sa iba na ako na lang 'yung nag-shoot ng product namin. Pagkagawa ng product diretso shoot na agad, sabay post online. Nakakatulong din sa akin 'pag may gusto akong i-layout na bagong design. Since hindi naman ako gaanong magaling mag-drawing, ginagamit ko 'yung camera ko sa pag-shoot ng mga parts ng katawan ko haha! Example na ay 'yung sa kamay, kung 'yung dinesign ko ay gusto kong lagyan ng naka-OK na anggulo, kukunan ko 'yung kamay ko at 'yun ang gagawin kong basehan. Hahaha! Could you share to us three photography quote or lessons that made a big impact on you? R : Isa to sa palagi kong isinasa-isip : Na hindi ako magaling, sanay lang ako. Isa pa, be anonymous. Lalo na 'pag sa contest. Galing ito sa isang Greek philosopher at magaling na photographer na si Jeremiah Sandelous. 'Wag ma-excite sa pag-upload ng shots mo. Kung may tatlo kang magandang kuha, piliin mo 'yung pinakamaganda, at 'yun ang itabi mo. Tapos ang i-upload mo lang ay 'yung hindi mo napili. Doon mo ngayon ma-o-observe na kung nagustuhan nila 'yung in-upload mo na least na maganda sa tatlong kuha mo, paano pa kaya 'yung itinabi mong pinakamaganda. Laking tulong nito sa pag-improve, at baka magamit mo pa sa mga contest 'yung itinabi mong shot. Pero madalas di ko din nasusunod, sarap kayang magyabang ng magandang kuha, hahaha! Panghuli, "the best camera is the one you have with you." I-maximize mo kung ano 'yung meron ka ngayon, hindi porke mas maganda 'yung camera niya sa'yo ay mas maganda na rin 'yung kuha niya. What’s the most unforgettable photography moment you’ve enjoyed thus far? R : Sa ngayon ay 'yung daytrip to Aurora at overnight camping sa DRT. Haha. Bukod kasi sa mga photomeet ng Focus Bulacan, 'yang dalawa na 'yan ang pinakasulit sa akin. Dahil siguro wala kang iisiping contest na dapat ipanalo, haha! Enjoy-in lang 'yung lugar at kumuha ng magandang litrato. Lalo na 'yung sa camping sa DRT, pasok pa sa gusto kong genre na Astrophotography. Sana masabit ulit ako sa mga ganitong lakad. Ry's Astrophotography Collection (Click thumbnails to view photos in full) How has it been like to be a Focus Bulacan officer? R : Masaya... na mahirap. Haha! Masaya kasi updated ako sa mga ganap na mangyayari o gagawin natin sa Focus Bulacan. Mahirap kasi siguro natapat tayo ngayon na may pandemic, medyo malilimit talaga 'yung oras, kasi naka-focus tayo kung pano makakabawi sa sitwasyon ngayon. Pero kinakaya naman. Haha. What tip or advice would you give to someone who’s planning to buy a camera and learn photography? R : Hindi pula at dilaw ang tunay na magkalaban, ang kulay at tatak ay di siyang dahilan. Haha! Just kidding. Advice? Hmm kung nababasa mo 'to ngayon, at nandito ka sa Focus Bulacan site, may camera ka o nagbabalak kang bumili, ang masasabi ko ay... nasa tama kang landas. Nandito kami para sa'yo, para matulungan kang matuto tulad ng tinulong sa akin ng mga kasamahan ko ngayon dito sa Focus Bulacan. Kaya tara na! In your own words, how do you define photography? R : Para sakin, ang photography ay isang malaking part na ng buhay ko. Kung ang tao ay may five basic senses, ang photography ang nagbigay sakin ng pang-anim. Ang sense of happiness. Message to Focus followers and fellow members. R: Para sa mga kasamahan ko sa Focus Bulacan, maraming salamat sa inyo! Maaaring hindi ko alam ngayon 'yung nalalaman ko tungkol sa photography kung hindi dahil sa inyo. Ipagpatuloy lang natin 'to, magsuportahan, magmahalan. Given na hindi naman tayo pare-pareho ng ugali, manatili sa atin ang pag-uunawaan, para sa ikatatatag ng ikalawang pamilyang ito, ang Focus Bulacan. Para sa mga taga-suporta naman ng Focus, maraming salamat din sa inyo, isa kayo sa dahilan kung bakit patuloy pa din kaming nandito at nagbibigay ng kaalaman sa photography. Kung nagbabalak kang sumali, at katulad kita noon na natatakot na baka mahirapan kang makisabay sa mga member ng Focus.. alisin mo na 'yan sa isip mo. Dahil nandito kami para tulungan kang madagdagan ang kaalaman mo sa larangan ng photography. Magtulungan tayo. Maraming salamat sainyong lahat. Keep safe and God bless. Photography could mean many things for different people. For Ry, photography has given him the opportunity to go far and reach for the stars : making a living by doing what he's good at, and shooting the depths of the galaxies to capture celestial wonders. Specifically, in his case, the most important marvel of them all : Rigel. |
FOCUS Feature
Every month, we have a feature on our members, our photography idols, and other photography issues we feel deserve a heads-up. Archives
January 2021
Categories |