He loves to explore and shoot. Conquer and capture. Learn on the go and spend as much time as he can with his beloved retro-looking camera. Recently he was featured on TV for his shadow photographs (watch it HERE). Curiously, Jay Salvador's first inclination wasn't photography. He first mastered the medium of sound. While at it, he got exposed to the world of cameras. He made the leap, and the rest is history. Let's get to know his journey, one that took him from the studio to the streets.
Q : You’re a sound engineer by profession. Tell us how you crossed over to photography.
Jay : Hindi ko din alam e, haha. Ang alam ko lang 'pag nasa studio ako, madalas ko nadidinig 'yung Director na nag-uutos ng framing ng camera at 'yung tama ng ilaw sa mga artista. Although hindi still photos yung mga kuha nila, hindi sila nagkakalayo lalo na sa terminology at meaning gaya ng headroom, looking space, tama ng ilaw, gobo, tungsten, white balance, front and side fill, wash out, aperture opening. et cetera. Sa tingin ko malaking bagay 'yung mga natutunan ko sa studio para gamitin ko sa photography. Q : We know your main focus is street photography, but you also make it a point to try other genres. Aside from street, which genres do you enjoy? And which are you still planning to try? J : Nasubukan ko na din mag-shoot ng landscape at still life, enjoy ako lalo na sa landscape kaso kailangan niya ng mahabang pasensya at effort sa paghanap at pagpunta sa magandang location. Macro Photography, isa 'yun sa gusto ko talaga matutunan, although nasubukan ko na sya gawin, pero hindi pa ako ganun ka-satisfied sa result. Q : Anong feeling kapag nasa labas ka na, kapag nasa street ka na, tapos dala mo ang camera mo? J : Excited ako every time na lalabas ako. Excited sa posible kong makunan na subject. Pero bago pa lang ako umalis ng bahay, sinisugurado kong mentally and emotionally prepared ako, masarap kasi magshoot nang walang iniintindi or iniisip. Q : ‘Di ba nakakakot na may dala kang mamahaling camera tapos nasa kalye ka? Anong mga hassle ang na-experience mo na? J : Natatakot din ako lalo na kapag 'di ako pamilyar sa lugar at kapag gabi, alam naman natin na hindi ganun ka-safe sa mga ibang lugar, at mahilig pa naman ako magsusuot kung saan-saan, nagbabaka-sakaling may makitang magandang subject. Pero so far at thank God, 'di ko pa na-experience 'yung ganun. Ang pinaka-hassle lang na nangyari eh 'yung nasita ako ng guard sa isang mall, at pilit na pinabubura 'yung mga kuha ko. Ang ginawa ko na lang pinakita ko sa kanya ung shots ko at sinabi ko nagagandahan lang ako sa mall. Madalas din ako matanong ng mga tao kung para saan 'yung kinukunan ko, akala yata nila eh imbestigador ak. Kaya sinasabi ko na lang sa kanila na may project ako sa school. Q : Naniniwala naman sila tuwing sinasabi mong para sa school 'yung kinukunan mo? J : Parang hindi nga eh, basta 'pag nasabi ko na 'yung magic word ko na 'yun eh 'di na nila ako pinapansin.
Some of Jay's street photographs. Click on thumbnails for bigger view.
Q : When you’re out there, what do you look for? How do you compose your photos?
J : Wala naman ako specifically hinahanap, basta maganda yung scene or interesting sa mata ko pinipitikan ko na. Maraming ideas or forms ng composition, pero kapag nasa labas ka na mahirap mag-compose lalo na kung mabilisan. Kaya kadalasan parang instinct na lang, kung ano 'yung nararamdaman ko or sa tignin ko na tama e 'yun na lang ang sinusunod ko. Q : What’s your fave camera or gear setup when shooting street? J : Ang madalas ko gamitin at dala ko everytime kahit saan ako pumunta 'yung Fuji X100. Kung DSLR naman gamit ko, Canon 6D plus 35mm na lens, kaso madalang ko gamitin talaga 'yung DSLR sa street. Q : Is there a single most memorable experience habang nagshu-shoot ka ng street? J : Oo, 'yung naatrasan ako ng delivery truck sa may Ongpin sa Manila, haha! Kakahabol ko sa subject ko hindi ko namalayan na may truck na umaatras. Naramdaman ko na lang na kumalabog 'yung likod ko, buti nalang mabagal yung atras, haha. Sinabi ko nalang sa sarili ko, “beh, hindi naman masakit.” Q : Nakuha mo naman 'yung shot na gusto mo? J : Hindi din. Hahaha. Malas. Pero nakuha ko naman 'yung plate number ng truck. Haha.
Q : How do you keep “invisible”?
J : Mas pinipili ko ang compact camera kesa DSLR kasi less intrusive siya. Sa pananamit naman prefer ko isuot ang dark shirt kesa sa mga bright colored shirt. Kadalasan ang ginagawa ko, kapag may nakita akong interesting na tao, magpe-pretend ako na may tinitingnan na interesting na subject na malapit sa kanya. Kunwari kukunan ko ito ng picture at since medyo wide naman 'yung lens na gamit ko, kaunting adjust lang siguradong kasama na siya sa frame ko. Minsan naman maghahanap ako ng magandang scene or spot at doon ako mag-aabang ng tao na maaring mag-complement sa napili kong lugar.
Q : What safety tips can you give for shooters who want to try street photography?
J : 'Pag mag-shoot kayo ng street, I suggest na group yourselves into two or three lalo na kapag hindi kayo familiar sa lugar. Yung strap ng camera n'yo, instead ilagay sa balikat, ipalupot na lang sa kamay, iwas snatch, at the same time mas mabilis kayo makakapag-react in case may makita kayong interesting na scene. Hanggat maari dalin lang ang gear na sa tingin ninyo eh magagamit n'yo. Q : Who are influences in your photography? Or people you follow for inspiration. J : Si Henri Cartier Bresson gusto ko 'yung composition at pagka-balance ng mga elements ng litrato niya. Si Alex Webb naman, gusto ko kung paano siya mag-compose ng foreground, midground at background tsaka paano niya gamitin ang available light. Si Trent Parke naman gusto ko 'yung pagka-fictional o mysterious type ng mga litrato niya at 'yung emotions nade-deliver niya sa mga viewer. Q : Do you have a dream situation or location for taking street photos? Or simply a place you’d love to go to just to take photos. J : Pinapangarap ko makapunta talaga sa Vietnam, Cambodia, India, at siyempre Canada kung saan nakatira ang misis ko ngayon, hehe.
Q : You’ve captured a lot of beautiful photos. Ano pang gusto mong magawa with your photography?
J : Nandoon pa rin naman ako sa process ng learning at experimenting. Madami pa din akong hindi alam at dapat malaman, lagi ko din iniisip na may kulang at may igaganda pa. Kaya ang gusto ko ay mag-aral pa at mag-shoot pa.
Q: What photography advice, in general, can you give to people who want to pick up the hobby, or people who are already in photography?
J : Advice ko lang sa mga gusto mag-start sa photography, sige lang, 'wag sila mag-hesitate. 'Wag nilang isipin na mahal ang photography, dahil ang dami nang options ngayon. Sa mga hobbyist photographers, bigyan lang nila ng oras, dahil sa lahat naman ng bagay basta bibigyan ng oras eh siguradong may magandang kapalit. Q: If you knew then what you know now, you would….? J : Hindi ko kukunan ng litrato ang mga pulubi. Dati akala ko maganda sa paningin kuhunan ang mga walang kalaban-laban na pulubi pero mali pala ako. Hindi kailangang kunan ng litrato o ipangalandakan ito sa social media, lalo lang silang nagmumukhang-kawawa. I-share ko na din 'yung nabasa kong quote ng fellow street photographer ko.. "There’s a thousand of ways to shoot the street and none of them involves poverty”. Ayan, nabasa ko lang 'yan sa Facebok niya pero maganda ang point niya diyan. Q : With your knowledge, experience, and style, how do you define photography? J : As long as the image effectively delivers emotion to the viewer, for me it is photography. Except poorism. Q : Message for Focus Bulacan followers or the general public interested in photography. J : A great image comes from the person who shoots more often. Hindi natin made-develop 'yung skills natin kung nakaupo lang tayo at panay browse lang ng magagandang litrato. Kailangan natin mag-exert ng effort at oras para makagawa tayo ng litrato na maipagmamalaki natin.
From the confines of the studio, to the rugged outside world of the streets, Jay has combined the established techniques and practicality of shooting into a style of his own. Soon Bulacan and Metro Manila won't be enough of a playground and he will likely explore new places. Who knows, maybe he'll get to conquer a new genre. Until then, Jay is enjoying wandering on his own, armed with a camera, looking for the next great photograph.
As for THAT shot he was chasing when he was hit by a truck... we can only imagine. Keep safe, everyone. |
FOCUS Feature
Every month, we have a feature on our members, our photography idols, and other photography issues we feel deserve a heads-up. Archives
January 2021
Categories |