Jerome Ramos had no idea that one day he would be working as the personal photographer of a municipal mayor. He was asked by the former mayor of Plaridel, Bulacan, if he could help out in the municipal hall's IT department, a job offer that he felt compelled to accept. Months later, he was tasked to document - using a digital camera - a big event that the town was hosting, and on the spot he was forced to learn how to take pictures. Little did he know that it would be the start of a new affliction and a new line of work. At present, he carries the role of graphics designer aside from being the chief photo documentarist of current Plaridel mayor Jocell Vistan-Casaje. What started as a job invitation to work in an IT department quickly escalated into a career in photography. Jerome "Jhay" Ramos is the featured Focus photographer of the month. How did your photography story start? J : Nagsimula ako noong August 8, 2009, unang taon ko sa serbisyo, nagkataong may malaking event sa bayan ng Plaridel. 'Yun kasi 'yung araw na idinaos ang signing ng Comprehensive Agrarian Reform Program ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Noong panahon na 'yon walang official photographer talaga ang Pamahalaang Bayan ng Plaridel, bumabayad pa sila sa labas. Sa sobrang halaga ng pagtitipon, naghanap ng magdo-document si (dating) Mayor Tessie (Vistan), sakto naman nandoon ako upang umasiste sa mga panauhin. Tinawag ako ni Mayor Tessie at pinahawak sa akin ang isang digicam, 'di naman din ako makatanggi dahil utos 'yun, kahit bagito at wala pa akong masyadong alam sa photography. Noong una 'di ko alam ang gagawin ko sa dami ng tao at media, sobrang mahiyain ako, kaso inisip ko kailangan kong makapagproduce ng mga photos for documentation kaya isinangtabi ko muna ang hiya ko. Pagkatapos ayun, nakita nila na maganda naman 'yung mga kuha ko hanggang sa kada programa ng munisipyo ako na ung pinagpi-picture hanggang sa gawing official photographer ako ng mayor and the rest is history, hehe. When did you realize that you had what it takes to earn from photography? J : Sa una kasi never kong naisip 'yan kasi nga wala pa akong experience sa photography. Late ko lang din na-realize noong medyo nakakagamayan ko nang kumuha, lagi akong nagtatanong kay Kuya Noel (former fellow Focus member) noon sa mga basics ng photography hanggang sa unti-unti madami nang nakakapuna, madami nang pumupuri tapos may nag-suggest sa akin na tumanggap kahit maliliit na event lang. Sa una medyo kabado kasi first time ko lang gagawin talaga 'yun tsaka isa pa bago lang ako. Unang naging event ko pa kasal ng pinsan ko syempre pressure 'yun kasi di na sila kumuha ng professional photographer. During the wedding ginawa ko lang 'yung mga itinuro ni Kuya Noel, in-apply ko lang 'yung mga basic, puro basic lang talaga tapos unlimited pa shots ko para if ever na may nakanganga or nakapikit, may pagpipilian. Noong huli nakahinga naman ako nang maluwag dahil sobrang saya ng pinsan ko at satisfied sa mga kuha ko. Ganun pala 'yung feeling kapag maraming nakaka-apppreciate ng gawa mo, masarap sa pakiramdam. Mula noon nagpractice ako nang nagpractice tsaka aral hanggang sa makabisado ko na at magamay ko na. What were your usual frustrations when you were just starting? J : Nalulungkot ako kapag nakikita ko na 'di sila satisfied, hindi sila masaya lalo na 'yung gusto nilang look 'di ko nagawa. Ang hirap kasi wala pa akong masyadong alam sa photography 'di tulad ng iba na nagtraining or pinag-aralan pa sa school. Minsan 'yung dapat na ako magshoot may magsa-suggest na magbayad na lang sa labas, sobrang na-disappoint ako. How did you handle and overcome those frustrations? J : Inisip ko nalang na isang malaking hamon sa akin para mag-push pa ako na mapagbuti. Araw-araw kapag mag-shoot ako lagi kong iniisip na kailangan ko pang mag-improve, 'yung hindi pwede ang pwede na 'yan, dapat mas higit pa. Lahat ng negative ginagamit ko bilang fuel para i-push pa 'yung limits ko nang higit pa hanggang di ako natututo, I'd never stop. You work as the personal photographer of a mayor. How cool is that, eventually earning from something that you had to learn instantly? J : Nakakatuwa kasi kapag sinabing "mayor", parang lagi na akong nakakabit, 'yung point ba na kapag dumating ako, automatic alam na ng tao na nandiyan si mayor, parating si mayor. Instant celebrity ako sa dami ng taong nakakakilala sa akin. Nagugulat na lang ako minsan na may bumabati sa akin kahit 'di ko kakilala. Malaki din ang naitulong sa akin ng pagiging official photographer ni Mayor. Dumami 'yung mga taong nagtitiwala at nakaka-appreciate, lalo pa akong nahasa sa photography, mas nahubog ako dahil sa kada araw na pagseserbisyo sa bayan, bagong araw, bagong kaalaman. 'Yung lugar na dati sa magazine at internet ko lang nakikita, napupuntahan ko na isa-isa. 'Yung mga matataas at mahahalagang taong nakikilala ko nang personal, 'yung mga ganung simpleng bagay lang. Kaya naman ganun na lang ang pagpupursigi ko sa pagpapahusay ko sa photography para naman masuklian ko 'yung tiwalang ibinigay nila sa akin. Sa ganoong paraan man lang makabawi ako sa kanila. In working for your boss, what aspect is the biggest challenge in capturing her photos? J : Malaking challenge sa akin na ginagawa ko araw-araw 'yung mai-share ko, 'di basta na makuhanan lang, challenge parati sa akin kung paano ko ma-capture 'yung emotion, 'yung sincerity niya lalo na kapag nakikipag-usap siya sa tao. 'Yung tipong picture lang nangungusap na, 'yung 'di na kailangan ng description. Pangarap ko talaga ma-achieve 'yun kasi bibihira kasi sa mga politiko 'yung makitaan mo ng sinseridad sa paglilingkod, at gusto kong mai-share sa lahat 'yung pakiramdam na 'yun sa pagkuha ko sa kanya ng mga photos. You’re also a gifted singer. What are the similarities and differences of singing and photography? J : Una syempre tulad sa photography kailangan mo rin mag-aral ng mga basic, ganun din sa pagsali sa choir, mag-aral ka ng piyesa, aral ka ng proper breathing at pagbuka ng bibig. Kailangan mo din paghusayan upang makapag-produce ka rin ng magandang output at magandang harmony. Kung sa photography club may mga kasama ka, ganoon din sa choir may mga choirmates ka na gagabay, aalalay, at magtuturo sayo. Ang pinagkaiba lang nila, sa choir kasi dapat tutok ka sa aral talaga lalo na 'pag competition, mas kailangang pag-aralan mo 'yung part mo dahil kapag pumalpak ka, damay ang buong grupo. Kung sa Focus may certain day lang for photomeets, photowalk, o iba pa, sa choir halos buong linggo magkakasama kayo. Mahirap pa doon, puyat ka pa dahil 'pag gabi lang available lahat ng members, 'di kasi kayo pwede mag-start kung kulang-kulang kayo. What has been your proudest moment as a photographer? J : Ay sobra, muntik na akong maiyak kasi 'di ko pinangarap at inasam 'yun. 'Yun photo ko po ng Salubong Festival. Hindi ko po talaga in-expect na malayo ang mararating ng picture ko po na 'yun. Nag-umpisa po 'yun sa Larawang Bulakenyo, nasama po siya sa exhibit, tapos napanood ko din po siya sa tourism ad ng Bulacan, tapos sa coffee table book po. Noong sumunod nun, noong na-invite po akong dumalo sa Monomania sa Manila, first photo exhibit ko po 'yun sa Manila. Amazed po talaga ako, 'di ko lang po pinahalata, dahil puro po mga batikang litratista ang nandoon at na-meet ko nang personal, mga idol talaga. Tsaka po 'yung nasama po ulit sa exhibit 'yung photo ko po ng Salubong Festival sa Photoworld Asia. Sobrang maraming salamat po sa pagtitiwala, talagang isang malaking karangalan po ang mapasama 'yung photo ko sa exhibit na 'yun at napakalaking achievement po 'yun para sa akin. (Salubong Festival photo shown below) How do you see yourself and your craft ten years from now? J : Siguro po sa ngayon wala pa, kasi sa sampung taon marami pang pwedeng mangyari, marami pang pwedeng magbago, pero pangarap ko rin po na makapagpatayo ng sariling negosyo. Isa na diyan 'yung photo studio. Pangarap ko rin po na makapag-share at maipasa ang kaalaman ko, lalo na sa mga kabataang kapos sa buhay na naghahangad din matuto ng photography. 'Di man sa gamit pero kahit sa mga kaalaman makapagbahagi ako sa kanila. Pangarap ko din na makasama, 'di man manalo sa mga exhibits, magtravel sa iba't ibang panig ng mundo through photography. Pangarap ko din na makasama ang crush ko habang buhay …. hahaha joke lang. Please show us the photo that has been the most memorable for you. J : Memorable po sa akin 'yung food shot na 'yan kasi 'yan 'yung time na una akong nakasama sa Focus Bulacan. Hindi pa ako member noon, sumama lang ako sa shoot na Ang Pinaka-Yummy sa Bulacan. Sobrang excited po ako kasi familiar na din ako sa Focus noon. Madami din kako akong matutunan. Masaya rin 'yung byahe, palipat-lipat ng resto tapos pagdating nagkakagulo, unahan sa pagpwesto para sa magandang angulo. Tapos nag-apply na ako para maging member. Doon nagsimula. (Photo shown below) What’s your dream destination to photograph? J : Wow. Sobrang dream ko 'tong mga 'to. First in the list talaga is Nami Island, Korea with the ginkgo trees. Big fan kasi ako ng Korean telenovela na "Endless Love". Nakaka-amaze ang ganda lalo na kung may kasama ka. Ganda magpropose doon, hehe. Second is Batanes. Kahit mahangin, kahit madalas umulan, favorite ko siya dahil sa Marlboro Hills, heritage houses, old pavements, mahilig po kasi ako sa mga vintage and classic. Last po siguro ay Singapore. I've always wanted to go to Singapore, pangarap ko kasing tumira doon. Malinis, tahimik, daming magandang puntahan tsaka disiplinado ang mga tao. And what’s your dream project? J : My dream wedding, bride na lang talaga ang kulang, hahaha. If you can give a photo to the person you love, which photo would be it and why? J : Picture para sa lola ko, at ako 'yung nasa picture, as a successful man. Laking lola po kasi ako. Simula noong natuto akong mag-photography, naisip ko na sana buhay pa si Ima, sana siya 'yung unang taong pi-picture-an ko sa camera ko. Sobrang special niya sa akin, sana nakikita din niya 'yung mga nararating ko. 'Yung dating katabi niya at tinatapik-tapik lang sa pagtulog, 'yung batang kitchen partner nya tuwing magluluto. Sana naipakita ko sa kanya 'yung mga larawan ko na lumalabas na sa magazine at dyaryo na dati itinitinda lang namin. Sobrang miss ko siya. Your advise to those starting in photography? J : Una sa lahat, huwag panghihinaan ng loob. 'Wag kayong magpatangay kung ano man ang sinasabi ng iba, just do your best at kapag kulang pa, mas pagbutihan mo sa susunod. Just do what makes you happy, i-enjoy mo lang. Learn first the basic, from the word itself, 'yan ang magiging pundasyon mo bilang photographer … 'yung mga camera sa huli na 'yan kasi aanhin mo ang isang mamahaling camera kung 'di ka naman marunong kumuha? Useless, 'di ba? Practice … practice … practice. Kahit nasaan ka man, shoot ka lang. Sa panahon ngayon ng mga millennials kahit magpicture ka sa daan okay lang. Dati kasi magpicture ka aakalain ka nilang adik, hehe. Sa kaka-practice mo pati 'yung self-confidence mo mabi-build din. Panghuli, don’t forget to share your knowledge to others. Big no-no 'yung magmamayabang ka, 'yung maangas ka. Ay 'wag po, dahil tandaan mo bago ka makarating sa kinaroroonan mo ngayon, dumaan ka rin sa nagsisimula. Kaya iwasan ang maging mayabang upang magkaroon ng maraming kaibigan, hehe. Message to fellow Focus members. J : Hi guys, una sa lahat gusto kong magpasalamat sa inyong lahat, Focus family, sa pagtanggap nyo sa akin. Dito kasi sa Focus 'di lang kami magkakagrupo or samahan eh, we are more like family talaga at ramdam ko talaga 'yun. Bukod sa mga kulitan, harutan, nandun 'yung bond ng bawat isa. Nandiyan sila parati sa tabi na laging nakasuporta, tuturuan ka, gagabayan ka para mapaghusay ka pa at mas mahubog ka, 'di lang sa photography kundi pati na rin sa pagkatao mo. Eto 'yung pwede mong maging pangalawang pamilya, pangalawa mong tahanan. Kaya naman nagpapasalamat ako sa inyong lahat. Love you all! Jhay's other favorites (Click thumbnails to view photos in full) Jhay's story reminds us of a quote from renowned entrepreneur Richard Branson : "If someone offers you an amazing opportunity and you're not sure you can do it, say yes. Then figure out how to do it later." We never know what life would be sending our way and most of us would feel unprepared whenever a great opportunity comes along. But if we don't try, most certainly we will never know the consequences, and a big question mark would loom in our mind for the rest of our lives. Jhay could have shied away from the challenge of documenting a big event (when he had no prior experience of doing such) but he chose to take it head-on and do his best. It turned out to be the first of numerous moments and events that he has captured with his camera. And there shall be countless more. |
FOCUS Feature
Every month, we have a feature on our members, our photography idols, and other photography issues we feel deserve a heads-up. Archives
January 2021
Categories |