In 2014, Focus Bulacan did not just get " clearer, sharper, better ". The group also got a lot bigger.
More members, busier activities, and greater expectations. Probably the largest photography club in the province today and definitely the most active. In light of continuous development happening in the group, it was decided that Focus Bulacan needed more dedicated officers to lead the club's activities. Fortunately, we have members who are willing and able to step up to the challenge. People who could take the responsibility and not resort to excuses when depended upon. Let us formally introduce them in this feature. The Focus leadership committees will have a bit of reshuffling and a load of additional officers. Now there will be at least two officers to handle each committee, forming a tandem to handle each concern. The ever-busy Activities Committee will also expand from four officers to six. To best explain the changes, here's the new committee setup for 2015 :
Much like what we did in our feature of 2014 officers, we're presenting the new batch with a brief introduction to who they are, together with a short interview.
Ejay Caluag is a Systems Administrator for one of the biggest information technology corporations in the world, aside from being very active in local government and youth affairs (a former Sangguniang Kabataan councilor and officer-in-charge himself) of his hometown Malolos. His connections and quick-response nature are very essential in his new role as External Affairs officer for Focus. Erika Santos is a full-time photography professional. She owns Bluprint Studio and heads Bluprint Projekt, an events-coverage service, and also has a photobooth rental, Happy Penguins. Her entrepreneurial spirit and way of dealing with people will be put to a test, one that the whole group is confident she will handle well, as she will now be a Membership Committee officer. Boosting the Activities Committee will be a trio of dependable new officers. Chi Lopez is not just one of the top photographers of Focus Bulacan - he finished second in the Photographer Of The Year competition in 2014 - but he is also one of the reliable members in terms of helping out with organizing events and coming up with ideas. He's a rockstar in a true sense, as he is the drummer of Bulacan-based band Icecream Project. Ali Viaje, meanwhile, is a freelance professional who juggles between photography and videography for his projects. Funny, hardworking, funny, friendly, and definitely funny. Yet responsible with tasks... seriously. Julius Calzo has advanced rapidly since becoming an official Focus member back in July 2014. Apart from being one of the strongest contenders in photo contests, he has also become one of the most committed in helping the group - even if he has a landscape and garden plants business to tend to. Chi, Ali, and Julius will definitely provide much-needed help to our Activities Committee. Finally, we have Amen Alcoriza, who is set to assume Competition Committee duties in 2016. Amen is currently based in the Middle East, working in sales for a lighting company. Since he is not yet handling the Competition Committee this year, he is still allowed to join our contests. For now he will be getting briefing and instructions from current competition officer Jer Sandel, so by the time the position formally changes hands, the transition will be smooth.
We conducted a quick interview with our new officers. Questions about their new roles and expectations. Here are the questions and answers...
1. Ano ang ibig sabihin para sa inyo ng pagiging Focus Bulacan officer? Chi : Siguro isa ako sa pinagkakatiwalaan at kilalang active sa group na dapat makitaan ng great leadership. Haha. Ejay : Honored. Almost lahat looks up sa isang officer to follow rules and guidelines. Erika : Ibig sabihin pinagkakatiwalaan ako ng mga kasama ko para makatulong sa Focus. Julius : Isang malaking responsibilidad at hindi basta-bastang tungkulin at kailangan seryosohin. Ali : 'Pag sinabi mo kasing "officer", para sa akin kadikit na n'yan eh 'yung mga salitang astig, magaling, responsible, reliable. Amen : Isang malaking karangalan syempre. Tsaka ibig sabihin dapat na lalong magpakatino at gamitin ang salitang "focus", at higit sa lahat dapat approachable pa din 'pag may humingi ng tulong sa photography at hindi pa-VIP ang asta. 2. Nagdalawang-isip ba kayo bago n’yo tanggapin ang position? Ejay : Hindi naman. Kasi alam ko may teamwork naman ang team. Erika : Medyo nagdalawang-isip ako kasi alam kong malaking responsibility 'to. Julius : Noong una talaga, oo. Kasi hindi ganun kalawak ang experience ko pagdating sa photography at hindi ako ganun kasanay humarap sa tao. Amen : Oo, lalo na dun sa posisyon na in-assign sa akin, eh ang galing kasi ng papalitan ko, kaya hindi maiiwasan na pumasok sa isip ko noon na baka hindi ko ma-meet 'yung expectations n'ya. Pero alam ko naman na tutulungan n'ya ako. Chi : Sakto lang. Kasi gusto ko talaga maging ordinaryong myembro lang na pogi. Haha. Ali : Nagdalawang-isip talaga ako. Nag-tatlo pa nga yata eh. Kasi 'di ko naman talaga in-expect na magiging officer ako. 'Pag nire-recall ko kasi 'yung mga achievements ng grupo noong hindi pa ako officer, sabi ko sa sarili ko..."patay tayo d'yan! Kaya ko kaya?!" Haha, nilakasan ko na lang loob ko at tinanggap ko ang posisyon. 3. Sa tingin n’yo, saan kayo mahihirapan sa pagiging officer? Ali : Palagay ko mahihirapan kami as officers eh sa oras. Siyempre may mga kanya-kanyang trabaho din. 'Yung iba hindi magiging available palagi. Amen : Mahihirapan ako sa pag-iisip ng theme na dapat unique at the same time eh magiging interesado 'yung mga sasali. Erika : Baka 'di ako maging present sa mga meetings lagi. Pero I'm very willing to help and support the group. Basta kasama kayo eh kayang-kaya. Julius : Sa pag-iisip siguro ng mga bagong ideas, since 7th month ko pa lang 'to bilang member ng Focus, hindi ko alam 'yung mga naging activity before kaya doble pursige para makahabol. Ejay : Siguro sa'kin 'yung makipag-coordinate sa ibang organizations and offices since malaking factor sila sa magiging success ng mga events natin. Chi : Wala naman siguro kasi lahat sa'kin madali. Haha. 4. Meron ba kayong naiisip na project o gustong mangyari para sa Focus? Erika : Gusto ko talagang magkaroon ng photobook ang Focus every year. Chi : Naiisip ko na maging malaking company ang Focus na may malaking office at malaking Focus bus. Hahaha. Ali : Ultimate dream ko talaga sa Focus 'yung "Focus Bus". 'Yun lang. Hehe. Amen : Meron pero secret lang muna sa group. Hahaha. Ejay : Gusto ko sana mas ma-recognize tayo in a much bigger scale like sa Department of Tourism bilang independent promoter ng tourism sa Bulacan. Julius : Suungin pa natin ang ibang kalye sa Bulacan. Haha. O kaya suyurin natin ang sulok ng mundo. Mas maraming mapupuntahan, mas maraming matututunan. Mas maraming makikilala, mas masaya ang bawat isa. 5. Anong activity ng Focus ang pinaka-excited kayo? Ejay : 'Yung planong landscape photography seminar sana. Hehe. Julius : Para sa akin Scott Kelby photowalk at Focus Portrait Project. Amen : SummerJam at 'yung out of town na niluluto pa lang ng officers. 'Yung SummerJam kasi hindi pa ako naka-attend ever since. Haha. Chi : Eh sa monthly theme at photo meet contests talaga ako nae-excite. Kasi gusto ko talaga ng competition. 'Yung mailatag 'yung photo ko sa photo ng iba at mai-compare kung 'yung shot ko eh enough para manalo. Hehe. Ali : SummerJam syempre. Erika : SummerJam at Christmas party, kasi doon may food. Haha joke lang. Kasi doon nakukumpleto ang members tsaka doon talaga nakakapag-bonding. 6. Bawal ang tamad na officer sa Focus. Agree ba kayo? Ali : Oo naman! Kasi 'pag tatamad-tamad ang officers, eh mahahawa 'yung mga members. Amen : Yup! Responsibilidad dapat ng officer na magampanan 'yung in-assign sa amin. Tsaka gaya ng sabi ni Ali, kung magiging tamad ang mga officers eh mararamdaman 'yun ng members kaya tatamarin din sila. Chi : Haha para sakin yata 'to. Pero kung may task naman na binigay sakin, gagawin ko naman 'yun. Erika : Tama naman. Kung magiging tamad ka lang din, dapat 'di ka na lang mag-officer. Kasi lahat tayo nandito para magtulungan mapaganda ang Focus. Ejay : Oo naman. 'Pag officers ang naging tamad, for sure tatamarin din ang mga members. Julius : Bawal talaga. Haha, kasi paano sisipagin ang members kung mismong officers hindi kumikilos. 7. Ano sa tingin n’yo ang kaibahan ng Focus sa ibang photography clubs, kung meron man? Julius : Actually hindi ko rin alam, ang alam ko lang masaya ako sa Focus at hindi na din group ang tingin ko minsan kapag kasama ko sila. Isa nang malaking barkada. Ali : Ang kaibihan natin sa ibang photography clubs, we treat one another not only as co-shooters, not only friends, but family! Thank you for that wonderful question. Hahaha. Chi : Ang kaibahan ng focus eh hindi lang 'to basta photo club, lahat dito nagmamahalan. Haha. Amen : Lahat naman ng photography clubs eh may barkadahan, common na 'yun. Pero madaming meron sa Focus na wala sa ibang clubs, kasi sa Focus madaming ways para ma-improve ang photography skills mo lalo na sa mga competition at pag-share ng post-processing techniques. Ang daming gimik ng Focus para humusay ka, kaya 'yun ang nakikita kong advantage kapag sa Focus sila sasali. Walang kanya-kanya. Erika : Kaibahan natin sa iba? 'Yun mismong name ng group natin. Kasi naka-focus tayo sa isang goal. To help each other to improve in photography and be friends sa ka-group natin. Ejay : Being professional siguro in the way na i-organize 'yung mga events and may camaraderie among members. 8. Ano ang message n’yo sa mga members ng Focus? Ejay : Sana may mas malalim pa na pagtanaw sa Focus, 'di lang bilang photography club kundi bilang katuwang sa pagpapaganda ng society and maging involved sa social responsibilities. Chi : Sa mga iba na hindi ganun ka-active, sana sa mga photomeet um-attend kayo, doon lang kasi tayo magkakasama. Lalo sa mga bago. Syempre hindi naman tayo instant tropa agad. Dapat n'yo muna makisama at ipadama samin na mahal n'yo 'tong pinasukan n'yo. Ali : Sa mga members ng Focus, 'wag sana tayong mahiya sa isa't isa. Ika nga eh 'yung kapal ng mukha gamitin sa tamang paraan, as I have said, we are family. And keep on shooting lang mga ka-Focus. Labyu! Amen : Sa mga members, asahan n'yo na pipilitin ng officers gawing buhay na buhay ang Focus sa pamamagitan ng mga activities na makakasama kayo lahat. Tsaka noong member kasi ako, nakikita ko sa officers noon na open sila sa suggestion ng members kaya kung meron kayong gustong i-suggest kahit kalokohan basta ikakabuhay ng grupo at magpapa-close sa atin, go lang, suggest lang. Erika : Mga ka-Focus, tulong-tulong tayo. Let's make this year more memorable than last year. Julius : Galingan pa natin lalo at sipagan pa nating mag-aral. Maswerte tayo at member tayo ng Focus Bulacan at blessing ang tingin ko sa inyo. Wala sanang magsasawa kasi kung mahal talaga natin ang photography, maglalaan at maglalaan tayo ng time para dito. 9. Ano naman ang message n’yo sa mga followers o gustong mag-apply sa Focus? Erika : You're welcome to join, but please be cooperative. Let's make friends here. Ali : Sa mga followers ng Focus, maraming maraming salamat po sa suporta n'yo sa grupo, maraming salamat po sa pagsubaybay n'yo sa talambuhay ng aming grupo, haha! Sa mga gusto namang sumali, sali na po kayo... It's more fun in Focus Bulacan. Ejay : Keep shooting! Kahit phone camera lang. Nothing beats experience in the long run . Chi : Join lang kayo. Welcome naman lahat pero sana pasukin n'yo 'to hindi lang para maging member kundi para maging pamilya tayo na magtutulungan sa photography para mag-improve. Julius : Thank you sa tiwala sa Focus Bulacan at go lang nang go sa mga nag-a-apply, hindi kayo magsisisi kapag nakapasok kayo sa group. Lagi n'yong tandaan, ang pag-ibig nga napag-aaralan, photography pa kaya. Sipag lang talaga ..kung baga sa panliligaw dalasan ang dalaw kung sa photography naman dalasan ang aral. Amen : Sa mga gustong mag-apply, masusulit kayo sa knowledge, ideas, at tawa. Hehe tsaka totoong may tutulong talaga sa inyo 'pag may gusto kayong matutunan sa photography. Sa mga followers, pipilitin namin na mas magaganda pa 'yung mga ipo-post naming pictures sa Facebook page at website namin. Hehe. 10. Sige, mag-message na rin kayo sa mga mahal n’yo sa buhay. Ali : Ito talaga 'yung pinaka-paborito kong part eh, haha. Gusto ko lang pasalamatan ang pinakamamahal kong asawa na laging naka-suporta sa mga ginagawa ko. Sa parents ko na laging nagtatanong kung may shoot daw ba ako o wala, haha. At sa kuya ko na nag-udyok sa akin sa larangan na'to, thank you, thank you! Amen : Nay! Tay! Officer na ako!! Wohooo.. hehehe. Salamat sa suporta n'yo, mahal kow kayow! Chi : Sa mga fans ko na lang. Hi, fans! Haha. Julius : Sa mga mahal ko sa buhay, salamat at todo-support kayo sa akin. 'Wag kayong mag alala kapag kasama ko ang Focus... hindi ako nagugutom. Erika : Hi, fans! Haha. Salamat at naging part ako ng Focus. Ejay : Haha. Binabati ko 'yung mga taga-Malolos na hometown ko, tsaka family ko, GF ko, 'yung aso naming si Jack! Hehe. Kidding aside, more power sa atin sa Focus Bulacan!
It's hard not to see the excitement and enthusiasm our new officers have. Again, welcome to the leadership team and good luck. Together with the senior officers, Focus Bulacan is looking forward to a better 2015 and beyond.
|
FOCUS Feature
Every month, we have a feature on our members, our photography idols, and other photography issues we feel deserve a heads-up. Archives
January 2021
Categories |